Be one of the lucky winners!

Ikaw ba ay isang breastfeeding mommy? This is for you! Be one of the lucky 50 winners ng Nestle Mamalove Lactation Milk Drink! Here's what you have to do: Step 1: Comment below 1 benefit of breastfeeding. Step 2: Go to the contest page: https://tap.red/pn4lc. Click "Participate" and fill up the form Your comment will serve as your entry for the Mamalove Lactation Milk Drink. Winners will be announced on November 5, 2020 on the TAP app! Siguraduhing nabasa ang mechanics and good luck, mommy!

Be one of the lucky winners!
1335 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang pangunahing pakinabang ng BF (Breastfeeding) ay ang pagkakaroon ng mas malusog na sanggol dahil ang gatas ng ina ay likas na masustansya, at ito ang dahilan sa mabilis na paglakas ng katawan ng sanggol at maagang pagbuti ng kanyang kalusugan. Makakaiwas din si baby sa mga sakit na karaniwang dumadapo sa mga bagong silang na sanggol, tulad ng pulmunya, lagnat at pagtatae. Ang mga benepisyo ng pagpapasuso ay hindi lamang para sa sanggol; nakakatulong din ito sa pagpapaganda ng kalusugan ng ina. Ang BF ay tumutulong da pag iwas sa "postmenopausal, osteoporosis at nagpapatibay ng buto. Dahil sa ligayang dala ng pagpapasuso, nakakaiwas din ang ina sa depression. Nagiging mas malapit ang ina at sanggol dahil sa pagpapasuso (Bonding Time) ika nga. Ang mga panahon na nagpapasuso ang ina ay mainam na pagkakataon para lalong mas makilala ng ina ang anak at mapagmasdan ang mga kilos at galaw nito. Ito ay maaaring tumuloy sa pagkakaroon ng matibay na relasyon ng mag-ina sa pag laki ng anak. Nakakatulong din ang BF sa pagtitipid. Lalo na sa panahon ngayon, malaking bagay ang maka tipid sa pang araw-araw na gastusin. Ang BF na ina ay hindi na kailangang gumastos ng pagkain para sa bagong anak na sanggol. Sa halip na umili ng baby formula milk, maaari niyang gamitin ang pera sa ibang pangangailangan ng sanggol gaya ng diaper, damit at iba pang kailangan ng sanggol. Maaari ding panimula ng pag-iipon sa pag-aaral ng anak.

Magbasa pa