Maliit po akong babae, 38kg lang po akong nung di pa ako buntis(4'11 height). Ngayong 21 weeks preggy po ako 45kg na po ako. Normal lang po ba weight gain ko? Medyo worried po kasi ako na lumaki masyado si baby sa loob baka mahirapan po akong ilabas sya. Lakas ko po kasi kumain, lalo na rice, kamote, saging at bread. Panay tulog din po ako maghapon.