Mali edd Sana po may makatulong
#MALIEDD Ano po dapat sundin ko sa tvs ko nung una lumabas edd ko March 16 tapos Ngayon sa pelvic utz ko edd March 9 Naguguluhan nakoo Kase masalas na manigas tyan ko #MALIEDD #ANOPODAPATSUNDIN

yung pinakaunang ultrasound mo nung 1st tri mo ang pinakamalaapit sa katotohanan na edd. Yung mga ultrasounds nanginawa na malaki na ang babh sa tyan mo, di na yun pinapansin kasi edd uktrasound nakadepende sa sukat at laki ng baby mo. kung malaki si baby mas lalapit yung edd. kung maliit si baby, lalayo ang edd. pag nasa 8-9months na mas mapapadlaas na talaga ang paninigas ng tyan.. braxton hicks yan na frequent exercise ng uterus mo.para sa big day.. observe and monitor lang lagi. if ang paninihas ay sinamahan ng pananakit/paghilab ng ouson at tyan, likod, balakang na may interval na 5-19mins, pasakit ng pasakit, o may lumabas na dugo o tubig. yun na ang labor. magounta na sa ER at inform your OB. also po, ang edd ay estimated lang naman. pwedeng manganak ka 2weeks before or 2weeks after ng edd mo. basta nag 37weeks ka po, anytime may pwede ka nang maglabor. like sa akin po March 11 edd ko (40weeks aog yun) pero by Feb 18, 37weeks na ko. by that date onwards pwedeng magstart na labor ko.. payo lang po, laging makipagusap sa OB mo. pwede mo naman syang imessage. or kung sa check up mo, lagi mongbtanungin sa kanya mga concerns.. mas mabutin yung na sa mismong OB mo ikaw magtanong para di ka maguluhan.
Magbasa pa

