OA? Never.
Pagdating sa mga anak natin, natural sa ating mga nanay yan. May ganyan din minsan ang husband ko, buti di natutuloy ang lakad namin 😆 Naiintindihan ko na gusto niyang maipakita ang bata sa side ng family niya. Pero hindi worth it i-risk ang health ng bata, lalo at kung may sakit yung pupuntahan niyo.
Now, kung mapapapayag ka niya. I suggest magset ka ng mga "wag o bawal" dun. Like, magwear sila ng mask, wag hahalikan ang bata, maghugas ng kamay at mag-alcohol bago hawakan ang bata, magdala ng sariling utensils ng bata, etc...
Karapatan at tungkulin mo bilang ina na maging OA, para manatiling ligtas si baby sa kung ano at sino pa man Ü