Pasagot po please

malapit na po ako manganak .. 1st time mom po ako, malayo po ako sa family ko kasi destino ako sa malayo .. ano ano po ba mga dapat ko malaman pag manganganak na po ako, sa hospital po ako manganganak .. ano ano po mga dapat ko ihandang papel or bagay pag manganganak na po ako .. ndi ko po kasi alam . maraming salamat po .

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Employed po ako sa isang private company. Nung nalaman ko pong buntis ako, inasikaso ko po kagad yung SSS at Philhealth ko po. Chineck ko po kung eligible po ako to avail yung maternity benefits nila. Sa SSS, nag-submit po ako ng MAT 1 sa employer ko to notify them na pregnant po ako. Na-receive ko po a month before ng due date ko yung SSS maternity benefit ko. Nasa 63K din po yung nareceive ko. Dun sa Philhealth naman, handa na yung CSF and CF1 forms (2 copies - isa para kay baby) ko na may pirma ng employer plus yung past 12 months na contribution record galing din sa employer. Ififill out na to ng clinic o hospital na pag-aanakan mo para may bawas sa bill pagkatapos mo manganak at may kasama yun na Newborn Care Package para naman kay baby. Dahil malapit na rin ako manganak, inihanda ko na rin hospital bag ko at mga gamit ni baby. Sa hospital bag ko, meron lang akong dalang damit ko (t-shirt, pajama, at undies), adult diaper (kasi ineexpect kong normal delivery ako at sabi nila baka duguin after manganak), toiletries, damit ni baby pag iuuwi na siya (baru-baruan, mitten na hat, pati yung sa kamay at paa, pajama). Yung gamit din ni baby, handa na sa bahay. Hindi ako bumili ng masyadong madaming damit kasi mabilis daw lumaki ang newborn. Yung ilang damit ni baby mga hand-me-down para tipid. Regular din check up ko sa midwife na magpapaanak sa akin. Dahil malapit na rin ako manganak, every week na ako pumupunta sa clinic.

Magbasa pa
5y ago

salamat po sa info sis . GODBLESS !

VIP Member

Handa mo po biryh cert mo., philhealth mdr, mga gamit ni baby for at least 5 days para sure, mga gamit mo...

5y ago

salamat po GODBLESS !

Usually na gamit ng baby at saka po sa mdr

MDR po sa philhealth at ID nyu ni hubby

5y ago

salamat po GODBLESS!