16 Replies
Depende sa tindi ng away at yung lalim ng dahilan. May mga instances na kailangan muna magpahupa ng emosyon at itulog muna para makapag-isip isip. Saka pag-usapan pag tunay na naintindihan na din yung side ng partner mo at di yung sa sarili mo lang. Collaboration dapat sa arguments instead of compromising para both sides mapakinggan at matuto. Pero yung mga mababaw na dahilan lang, dapat maayos agad. Yan yung mga away na tatawanan nyo na lang paglipas ng panahon π
depende kung ganu kalaki ung opinag awayan. wag pilitin ayusin agad kung hindi kaya. pakalmahan muna ang bawat isa kasi kapag pareho pa kayung galit lalo lang titindi ang away bka mapunta sa sakitan at pagbibitiw ng masasamang salita . pero pag away nman na maliit lang ayusin agad. di ako naniniwala.dun sa wag matutulog ng parehas ng may tampuhan. mahirap ayusin kapag di maganda mood ng isa sa inyu. pakalma lang pra mas magkaintindihan.
For me, okay lang po, kasi for me po, dapat malamig na ulo niyo po pag nag ka usap na kayo kasi pag nasa init pa kayo ng ulo, baka ano pa masabi niyo na masama, ganyan kasi ako, di ko muna kina kausab husband ko pag ma init pa ulo ko. Peru usually nman po one day lang po away namin.
Depende sa misunderstanding. May mga misunderstanding kasi na kailangan palipasin muna para hindi lumala. Kapag pareho na kalmado at nakapag-isip-isip, saka pag-usapan ng maaayos pero syempre kung kaya naman ayusin agad, mas mabuti.
Depende sa pinag aawAyan, Kung hindi simple ay kailangan pang pag isipan. Minsan kasi kapag nkipag bati siya at siya may kasalanan at pinatawad mo agad. Uulitin ulitin, mabuting bigyan mo ng leksyon Para magtanda.
Depende sa pinag awayan. Pag alam kong si Mister may kasalanan hihintayin ko sya una makipag bati sakin π
For me kelangan po ayusin agad if may di pagkakaunawaan. Time is very precious lalo na ngayon.
For me okay lang until mahimasmasan bawat isa then magsorry sa nagawa.
oo ..ayuko kasing patagalin Ang away nmin
yes. space and isip isip muna