CREDITS TO MOMMY DIARIES PH

Makalat na bahay? Darating ang panahon na wala ng mga laruan na nakakaalat sa sahig, sa kama, sa lamesa at sa upuan dahil malalaki na ang mga anak mo. Sleepless nights? Pag malaki na sila, you have all the time to sleep. Maingay na bahay? Darating ang panahon na tatahimik ang bahay at ma-mimiss mo ang ingay, sigawan, tawanan at iyak ng mga bata. Walang katapusan na tanong kung bakit asul ang langit, bakit kailangan nating huminga, bakit gumagalaw ang mga puno? Darating ang panahon na tayo na ang hihingi ng oras sa kanila para makipagkwentuhan. Di ka makagawa ng gawaing bahay o trabaho dahil super clingy niya? Pag laki niya, maiisip mo na sana inuna mong makipaglaro sa kanya kesa ang mga gawain na makakapaghintay naman. Puro karga ang gusto? Dadating ang panahon na malalaki na sila at di na sila magpapakarga. Mabagal kayo maglakad o kumilos dahil maliliit pa ang mga hakbang at galaw nila? Darating ang oras na mabilis na silang kumilos at ikaw na ang hindi makakasabay sa mundo nila. Lahat ng to ma-mimiss mo. Kaya habang ganyan pa sila, samantalahin mo. Pag malalaki na sila, lahat ng to hahanap-hanapin mo. Lahat kayang makapaghintay, pero ang paglaki nila at ang oras na dumadaan, hindi. Lahat ng akala mo na walang katapusan, meron pala. Hihilingin mo na maibalik ang oras para maransan ulit ang mga bagay na to. Seize and cherish every moment with them. Hug them. Kiss them. Laugh with them. Spend time with them ❤️

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

ganda ng mga compositions ni mommy ciara about motherhood and parenting. ❤❤❤