Rant

Magsshare lang ako. Nakakastress na din kasi. Last sept 6 isinugod ako sa ospital kasi nahimatay at nauntog ako while on duty. Tapos prescribed ng OB ko na home confinement na lang ako hanggang sa makapanganak ako kasi mababa din ang BP ko at to prevent further damage sa akin at sa baby ko. Ngayon nagfile ako ng early leave, pero di approved kasi yung dalawang kasama ko din is magleleave. Yung isa approved yung 2 months leave niya starting this october tapos yung isa is magsstart sa november. Both of them still are not registered engineers. Nadadayaan ako kasi yung reason nila is boards yet approved yung leave samantalang yung sa akin na buhay yung at stake di approved. Nakakalungkot na establishments prefer license rather than life. Gusto ko ng magresign dahil dito kasi palagi na lang ganun yung dalawang kasama ko sa work. Sa aming tatlo po ako pa lang po yung engineer.

49 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I feel you sis.. favoritism at its finest.. Nag resign na lng ako.. same case.. nurse nmn ako sa govt. Hospital. Dinugo n ko then nag request ako ng leave Kasi pinag bed rest ako ng 2weeks ng OB. Kaso may nka leave n 2 din samin.. sadly d ako pinagbgyan KC wla n daw tatao sa ward dhil kulang Tao... Same case din nangyari sa kasama ko, worse is tatanungin pa ano daw b priority namin.. pamilya or trabaho.. ๐Ÿ˜… so we both decided n mag resign n lng.. aun dakilang buntis n Ina sa bahay. Mahirap nga lng humanap ng work khit clerical lng pag buntis.

Magbasa pa
5y ago

Grabe naman yan. Ireport nyo sa dole โ˜น๏ธ

Licensed Engineer din po ako sis and medyo parehas tayo ng work environment, 2 months palang si baby sa tiyan ko nagresign na ako kasi na istress lang ako sa work ko baka mapano si baby kasi nag spotting ako nun. Simula nun hanggang ngayon 7 months na siya sa tiyan ko sa bahay lang ako, oo mahalaga work natin pero isipin mo mas mahalaga ang buhay ni baby. I hope piliin mo din si baby mo ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

pwede mo ireklamo sa dole sis ๐Ÿ˜Š ako dati ganun ehh.. pero di ako nagfile, ang dole mismo nkahuli sa company na di nila ako pinag rerest day o holiday o mag leave.. Registered Pharmacist po ako.. kaya nang nalaman ng dole na unfair yung establishment sakin, to the point na tumagal ng 4months na wala akong pahinga, yung dole yung nag file ng reklamo ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜

Magbasa pa

Just prioritize both of ur life sis. Marami pa jan mahahanap na work. Nagiisa lg ung buhay natin. Ako nung nalaman kong buntis at maselan nag resign agad ako ng sa ma compromise ung health namin ng baby kkastress sa boss at workmates. So ngayon i live with no regrets. Nkapagpahinga ako ng maayos and by next 4weeks mkikita na c baby๐Ÿ˜Š Godbless sis!

Magbasa pa
VIP Member

mommy gnyn ung hipag ko for the sake of her son ngtake sya ng risk ngresign sya by hook and by crook kc ikaw lng mkakaayos nyang situation nyo my gnyn tlgang mga company kaya ikaw na mismo kumilos mommy. you can complaint dn nmn sa DoLe kc karapatan ntng mga mommy yan kaya nga priority tau eh even sa mga malls,supermarkets and any stores.

Magbasa pa

Pwde mo reklamo yan sa DOLE, may medical certificate ka to prove na high risk pregnancy ka, considered as SL yun na pwde mo file sa SSS pra may makuha ka claims. Dumeretso kna po sa HR, kpag hindi k pinayagan sabihin mo mgrereklamo ka sa DOLE. Wag k po mgreresign, sayang benefits at parang cnabi mo na din na tama sila..

Magbasa pa
5y ago

True. Ako 2 months before my due naka medleave na. Sayang benefits pakinabangan mo muna. Banggitin mo lang DOLE takot lang ng mga yan.

Maselan din pagbubuntis ko 1 month before ako manganak nagfile na ako ng leave as advised by my OB. Approved naman...balik ko sa December na since expanded na ang maternity leave applicable for public and private company. I agree, you can report your company sa DOLE.

Resign ka na lang, mommy. Safety first. Kawalan ng company if ganon, they should've granted your request since ikaw lang may license AND meron namang request ng doctor. Pahinga ka na muna sa house and focus on your health. Praying for you and your baby, mommy. ๐Ÿ™

5y ago

Di po yata valid yung reason ko eh hahahaha. To think na company ambulance pa naghatid sa akin sa hospital nung nahimatay ako. Close po kasi yung dalawa kong kasama sa General manager ng company namin. Yun po ata yung isang reason bakit di approved yung sa akin. Wala po kasi akong pakialam kung kakilala ko o hindi yung mga boss sa taas basta po gawa lang ng work.

VIP Member

Much better momsh na mag resign ka na. Sayo na din nanggaling na buhay yung pinag-uusapan at walang pake dun yung company nyo. Kesa ma stress ka at ma apekto sayo at sa baby mo yan, resign na lang. Makakahanap ka uli ng trabaho, mas importante kayo ni baby..

VIP Member

Magresign ka na kesa mapahamak pa baby mo. Lisensyado ka naman hindi ka mahihirapan maghanap ng bagong trabaho pagkapanganak mo. I-prioritize mo baby mo. Di naman nila sasagutin pag may nangyari sa inyo. Much better ipa DOLE mo ng magtanda mga yan.