stress :(
Magshare lang po ako ng nararamdaman ko. 38weeks na po kasi ako. Araw araw naman naglalakad ako every morning at hapon. Kaso, yung asawa at mama ko minsan, palagi nila akong pinepressure. Minsan twing umaga, gigisingin nila ako sa kalagitnaan ng tulog ko para paglakarin. Oo naiintindihan ko naman na tinutulungan lang nila ako para mapabilis ang panganganak ko, pero minsan kasi sobrang bagsak ng katawan ko at ayoko kumilos pero pinipilit parin nila ako. Pag di ako smunod, sasabihin na "bahala ka ma cs maooverdue ka na" naiistress na kasi ako :( lahat naman na gngwa ko para mapabilis panganganak ko pero konting pahinga ko lang, ayan nanaman sila. Hayyy ang hirap kasi kumilos ng wala masyado laman tyan mo (pinagdiet kasi ako ni ob) di ko na alam ggwin ko mga sis :( prang mas nahhrapan ako ngayon sa araw araw kesa sa panganganak eh :(