Need help please

Hi. Magseshare and magtatanong lang po sana. I'm currently 38 weeks pregnant and simula ng in-IE ako, sarado pa rin cervix ko and wala pa ring progress until now. Sa totoo lang naffrustrate na ako plus pressured pa. Sinusubukan kong kumalma and magrelax kasi ayoko makaapekto sya kay baby kaso di ko mapigilan malungkot. Feeling ko kasi ginagawa ko naman lahat ng inaadvise saken and di ko alam kung sang part ako nagkakamali. Alam ko naman na dapat di ako magworry but I can't help it. First baby ko po ito. Ayoko rin kasi talaga ma-cs sana kasi normal naman po kame ni baby pareho based sa mga tests and all. I'm really praying hard about this. Thankfully, super supportive ng asawa ko and lagi syang nakaalalay saken. May part lang po kasi saken na napapagod na and natatakot na baka may magawa pa ako na hindi magiging okay baby. Just sharing this kasi medyo down po ako. May same scenario din po ba saken dito? Ano po ginawa nyo and paano nyo naovercome? Normal lang po ba tong nararamdaman ko? Ayun lang po. Maraming salamat sa sagot. #1stimemom #pleasehelp #pregnancy

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ako nga mommy 40 weeks n 3 days na no sign of labor padin last ie ko closed cervix pako..makakaraos din tayo mommy pray lang at lagi kausapin c baby lalabas din sya pag gusto napo nya..praying for normal deliveru satin mommy🙏❤

4y ago

awww. praying for you din sis. makakaraos din tayo soon. hoping na sa next checkup is may progress na.