Magpapa COVID vaccine ka ba?

Magpapa bakuna ba kayo ng COVID vaccine? If nakapabakuna ka na, anong tips mo para maging ready din kami? #teambakunanay #proudtobebakunanay #VaccinesWorkforAll #HealthierPhilippines #AllAboutBakuna #theAsianParent #covid #bakuna

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes for me. Kase kahit pa sabihin mo na ginawa mo na lahat (sanitize, don't go outside when not necessary, use facemask, etc), pag meron talaga kahit isang pabaya na ngpunta sa bahay mo or nakahalubilo mo sa work & nagkataon na hindi ganun kalakas ang immune system mo, ttamaan k p dn. Last year, yung asawa ko ngpositive sa COVID (nahawa sa workmate nya n asymptomatic). Though asymptomatic xa, nkkapraning p dn kase 8 months p lng baby namen that time & nag alala tlga kami bka mhawa xa. Thankfully wala nman nahawa samen & ng quarantine dn kami. So for me, vaccine is a must lalo na my kasama kayong bata, senior citizens or person with comorbidities.

Magbasa pa
VIP Member

Yes i got vaccinated last april 4 and tom ang 2nd dose ko. So far ok naman ako. Given na nangalay ang braso dahil sa vaccine. So far no side effect. Nagpabakuna ako to protect my family at sa mga taong makakahalubilo ko. Or mahawaan mam ako hindi ganun kasevere. Mas nakakatakot ang mahawaan at madamay ang family. Kung ikaw ay todo ingat pero ang mga taong nakapaligid satin e not sure kung maingat mahahawa pa rin. Mas nakakatakot mahawaan at magkaroon ng severe case.

Magbasa pa
VIP Member

Maraming nagsasabe na wag daw kame magpabakuna, kase delikado dahil sa mga napapanuod na side effect nia Pero para saken kung lagi kang naghuhugas ng kamay malinis sa katawan at sa bahay lalo na kung may babies sa loob ng bahay dat laging nakasanitize lahat.. At kung lalabas naman wearing your face shield at face mask at all times and distancing from others, Eating healthy food Makakaiwas ka sa virus kahit di na siguro magpavaccine 🤷🏻‍♀️ Just sayin🙈

Magbasa pa

YES. ❤️Nakakungkot yung iba na sinasabing maunang mamatay yung mga nagpabakuna. Andami talagang uneducated ngayon regarding sa mga ganitong issue. Para sa akin, do not be afraid. Kung gusto nating bumalik na ang mundo sa normal, sa dati? Magpabakuna tayo. Sa tingin niyo ba? Irerelease yan ng FDA? Ng government kung sa tingin nilang makaka sama yan sa mga tao? Kaya walang asensyo tayo sa pinas e.

Magbasa pa
4y ago

yes agree ako mommy ang laki ng epekto ng bad publicity ng media at ng social media sa pagtanggap ng tao sa vaccine nakakalungkot

VIP Member

im 22 weeks pregnant and got vaccinated with sinovac so far ok naman po wala nmng severe side effect, medyo may pain lng sa injection site which is normal. tandaan mga mommy the best vaccine is the one that is available. mas nakakatakot po ang mahawaan ng covid at magkaroon ng severe case.

VIP Member

Hi mumsh! For me yes, kakailanganin natin yun para mas safe tayo lalo na if madalas lumabas ng bahay. You may also ask your doctor for advise & if you have relatives here & abroad na nakapagpa-vaccine na 🙂

4y ago

I see. Thank you so much Momsh sa iyong reply. Gagawin ko po yan. Nakakacomfort and motivate lalo magpbakuna. 🙏🏼

No, lalo ngayon dumadami ang variants ng COVID. Hindi lahat ng vaccine na nadevelop makokontra laban sa new variants.

4y ago

Thank you for sharing your thoughts mommy. May FB page po na TEAM BAKUNANAY where you can ask questions din po about vaccines.

Yes no choice 😄.... need magpa vaccine kc may vaccine passport na kailangan for travel eh 😏

4y ago

Kaya mo yan Mommm! Thank you for sharing this. 🙏🏼

No mauna na cila mamatay..im pregnant mas mhlga sakin kaligtasan ko at baby ko

4y ago

Congratulations on your pregnancy Mommy. Hoping na maging safe ang delivery mo. If may mga katanungan ka pa po sa covid vaccine, you can join Team Bakunanay FB group page para masagot po iyong questions. 🙏🏼

yes. waiting lang sa vaccine na ibibigay ng company namin :)