Magiging  mas  matipid  ka  sa  sarili.  Ayaw  mong  gumastos  para  sa  sarili,  luho  man  o  kahit kailangan  pero  kapag  sa  anak  mo,  walang  tipid-tipid.  Halos  kalahati  ng  laman  ng  cart  mo  sa grocery  ay  pangmiryenda  nila,  gusto  mo  bago  ang  damit  nila  kapag  birthday,  pasko  at  bagong taon,  hindi  mo  mapigilan  ang  sarili  minsan  kapag  nakakakita  ka  ng  sale  ng  damit  pambata, ayos  lang  na  repeat  performance  ang  mga  damit  mo  basta  alam  mong  maayos  at  kyut  na  kyut silang  mamumustura.
Magiging  mas  maawain  ka.  Kung  dati,  di  ka  tinatablan  ng  mga  teleserye  sa  primetime,  ngayon, iyak-iyakan  pa  lang  at  mukhang  nagpapaawa  ng  anak  mo,  lumalambot  na  ang  puso  mo. Mabilis  kang  dalhin  ng  maliliit  na  yakap  at  mamasa-masang  halik  sa  pisngi  ng  mga  maliliit  na taong ito.