#AskDok LIVE: Sasagot ang OB sa mga tanong ninyo!

Mag tune in dito sa app on March 19, 1-3pm, dahil sasagutin ni Dr. Kristen Cruz-Canlas ang mga tanong ninyo tungkol sa pagbubuntis! SA LINK NA PO ITO I-POST ANG INYONG MGA TANONG: https://community.theasianparent.com/q/ask-dok-live-dr-canlas-1/1810061 TANDAAN: Sa official thread po (sa link na binigay) sasagot si Dok at within the appointed time lang po siya LIVE.

#AskDok LIVE: Sasagot ang OB sa mga tanong ninyo!
102 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Dra. Kristen. Good day. May mga katanongan lang po ako gusto ko malaman kung normal lang po ba eto. Last menstruation ko po is Jan.3,2020 inabot po ng 5days mens ko normal naman pero pagdating ng Feb hindi na po ako nag mens. Feb 17, nagpa check up po ako for transv ultrasound, ang diagnose is early intrauterine pregnancy of about 5-6weeks AOG based on MSD, NO EVIDENCE OF EMBRYO and with subchorionic hemorrhage po kaya niresetahan po ako ng pampakapit duphaston and duvadilan for 2 weeks 3x aday and folic acid. Then after 10 days lang po (Feb 27) nagpa check up and ultrasound ako uli ang result by MSD is 5weeks and 4days. Meron na gestational sac with a yolk sac, no embryo seen yet. No subchorionic seen din po nawala po pagdurugo ko sa loob. Advise po OB ko repeat ultrasound after 2 weeks, then 1x a day na lang po duphaston ko and folic acid and bed rest for 1 week (may history po kasi ako ng miscarriage last year, Jan lang din po ako nakunan). Bumalik po ako netong Mar.17 lang for transv uli. Ang impression po is single intrauterine pregnancy of about 6 weeks AOG, Single embryo measures 3mm , no evidence of cardiac pulsation and may Minimal subchorionic bleed na naman daw po. Kaya advised uli ng bed rest, 2x a day uli duphaston ko, and bumalik daw po ako after 1 week para malaman kung may heart beat na. Worried po ako Dra. kasi parang very delayed ang progress ng pagbubuntis ko kung iisipin dapat 8weeks na tiyan ko ngayun pero nasa 6 weeks pa lang and no heart beat pa subrang liit ng embryo ko. May pag asa pa po ba lumaki ang embryo at maging fetus kasi natatakot na po ako makunan uli subrang sakit sa loob ko. By the way I'm 41 na po. Pasensiya na mahaba explanation ko. Sana po masagot nyo tanong ko..marami salamat po and God bless!

Magbasa pa
6y ago

hello! dito po i-post ang tanong: https://community.theasianparent.com/q/ask-dok-live-dr-canlas-1/1810061