Stressful

Mag oopen lang ako sa inyo mga mamsh. Naiiyak na ako ngayon. Hindi ko na alam gagawin. Gaya ng ibang nagpost na mommies dito, kahapon lang din ako nasabihan ng OB ko na bawal na daw manganak ang panganay sa mga lying in. Palagi naman ako nagpapacheck up sknya at nakakapagchat naman kami pero di nya sinabi sakin, kahapon lang. Ngayon, nagagahol na kami kasi kabwanan ko na at ayaw na ko tanggapin ng ibang hospital dahil kailangan daw may prenatal check up ako sa kanila ng atleast 4-6 times. Eh may araw lang sila ng check up. Baka manganak ako bigla. Di naman sapat ung pera namin pang hospital kasi ang expected namin sa lying in lang talaga. At malayo kami sa mga hospitals dito. Di ko na alam ggwin stress na ako at baby ko kung san kami hahanap hays

57 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi kanaman po tatanggihan ng mga public hospital in case dun ka manganak. Tanggapin nalang po sermon, para sa health nyo rin yan sis. Basta dala mo lagi mga docs nyo ni baby if ever na needed.

hello po. pag manganganak ka na talaga iadmit ka rin nila sa public hospital wala sila magawa po jan.bawal sila tumanggi pag anjan na kau..basta dala mo yung mga lab test mo...

Tanong mo po c OB mo qng saan cia affiliated na hospital . Hopefully public. Pag public hospital po at may philhealth ka d po gaano kalaki maggastos nu. Minsan wala pa

VIP Member

Lahat naman po ng lying in may affiliate hospital. Tanong mo na lang po sa ob mo kung saan para makahingi ka ng referral sa kanila at yun ang ipapakita mo sa hospital

Ang alam ko po basta kumpleto ka ng laboratory ar checkup sa iba wala nmn clang choice kundi tanggapin ka po kpg manganganak kna...di kan po nla pedeng tanggihan pa..

TapFluencer

Ako naman gusto lumipat sa lying in kasi meron ng positive dito kaso bawal kasi first baby ko to tapos april 2 na due date ko. Dasal nalang na maging safe kami🙏

VIP Member

Kunin mo lahat ng records mo dun sa lying-in. Alam ko pag pubkic hospital kahit walang records okay lang e. Ako, manganganak ako sa public walang akong record

VIP Member

Hingi ka nalang ng refferal sis Kasi ako 5months palang tyan ko nun lumipat nako ng hospital from lying in Yun nga lang sermon inabot ko sa fabella😂

5y ago

Ng magpunta kasi ako ng philhealth sinabi yun sakin ng teller na magbababa si DOH ng memo na bawal na ang 1st at 5th pataas sa lying in manganak kailangan hospital napo

Tatanggapin k p rn ndi k pwd tanggihan tas hingi k ng referal ng lying in.ako s panganay ko wala ako hospital check up pro tinanggap ako s QMMC

Humingi ka ng referral sa lying in na pinag pa check up-an mo..bibigyan ka ng dr. mo at un ang ibigay mo sa hospital..pra duon ka manganak..