Hindi maselan na pagbubuntis?

Mag 2 months na po akong buntis, (not sure), at hindi po ako nakakaramdam ng sintomas ng buntis like paglilihi, o pagsusuka. Madalas lang masakit ulo ko at sobrang inaantok kapag may ginagawa. Normal lang po ba yon? at mga ilang weeks po kaya bago lumaki ng tiyan? may bilbil na akong dati kaya di ko masabi. ? Hanggang ngayon din kasi parang hindi pa naniniwala asawa ko (live in) na buntis na ako. Masakit sa damdamin pero kinakaya pa naman?. Salamat po. Mag 22 pa lang po ako sa December

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di din ako nag morning sickness at lihi, around 5mos lang umumbok ng konti tyan ko ngayon 6mos ako mabilog na sya pero maliit padin. Bat di naniniwala asawa mo, di mo ba pinakita sakanya nung nag PT ka? hehe. Congrats at pray lang palagi

7y ago

thank you. Pinakita ko naman. 4 times na ako nag PT, pinakita ko sa kanya. Tapos dahil nga may spotting ako parang iniisip niya regla lang. Start pa nung biyernes to, hanggang ngayon may dugo pa din maya-maya. o kaya unti lang talaga, parang basa lang ng dugo