Hindi pa din nakakalakad at walang ngipin
Mag 11 months na po ang baby ko pero di pa din nakakalakad. Nakakatayo pa lang siya ng ilang seconds bumabagsak na agad. Ayaw din lumabas ang ngipin. May need ba kaming baguhin sa pagkain? Sa nutriayon ba ang dahilan kaya nalate na si baby dito? Sa speech naman tingin ko nakakasabay siya. Marunong mag peekaboo. Nakakasunod sa mga actions na napapanood niya kay Ms Rachel tulad ng bubble pop. Naiidentify na din siya kung sino sino kami sa bahay. Please advise po if paano maturuan siyang makalakad. thank you!