Kinikiskis din ba ni baby nyo yung dalawang paa nya?

Madalas ipag-rub ni baby yung dalawang paa nya. Ginagawa/ginawa rin po ba ito ng baby nyo? Kahit yung times na parang nagki-kick sya. Baby just turned 5 months. #firsttimemom #advicepls

36 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yes Momsh, mga ganyang edad din ata ginawa ng toddler ko na ngayon ang pagkiskis ng paa. Maiksi ang pasensiya nung maging toddler na, napaka-OC mostly sa mga bagay na connected sa kanya. Pero kinakausap ko nmn kapag kalmado na siya at tinuturuan ng ibang outlet para mailabas ang emotion niya. Enjoy every moment na kasama si Baby, minsan lang sila dadaan sa pagiging bata πŸ€—πŸ˜‰

Magbasa pa
2y ago

Sorry for the very very late reply Momsh. Siguro 2-3 weeks niya ginawa. Alam mo nmn ang mga babies natin palaging may new milestone almost every day or week kaya mawawala din yung ganyang ginagawa ng mga baby natin.

Sabi ng mama ko, masungit daw kapag ganyan ang baby. Naranasan kasi niya saken. Ganyan ako up until now na kapag sobrang inis na inis ako or nasosobrahan ng stress over something kinikiskis ko mga paa koπŸ˜…. One of my kids ganyan din. Pero dont worry, I think normal lang yan sa ibang babies.

2y ago

thank you po for the reply. good to know na marami kagaya ng baby ko. 😊

Yes lagi pinagkikiskisan ng baby boy ko mga paa nya, di ko lang matandaan kelan nagstart, 5mos nrin sya. Sabi rin nila both parents and inlaws ko pag laki daw eh makulit o madali mag iritate, pero di ko nlng iniintndi kasi sabi ko mabait anak ko,.At ang inportante healthy...

2y ago

ginagawa pa rin ho ng mga anak nyo po?

based on my observation sa kapatid Kong baby ginagawa nya lang to pag sobrang Galit at inis sya halimbawa antok na okaya gutom okaya gusto nyang nasa labas sya ganon irritable para siguro makuha attention natin na Galit at naiinis na Sila😩

2y ago

gano po katagal ginawa ng kapatid nyo or ginagawa pa rin ho ba nya?

Tingin ko normal naman baby ko 3mos nung ginawa nia yan till now na 5mos na sia, kapag gumagawa sia ng ikaiinis nia pansin ko lagi nia kinikiskis dalawang paa niaπŸ˜…

2y ago

same mii

sabi ng matatanda, magiging malikot daw if ganun. pero wala naman scientific basis i think πŸ˜… sabi sabi lang. #justsharing 😊

yes, at bukod sa feet rubbing na napakadalas nya gawin, he just discovered na pwede ring i-suck ang toes nya. πŸ€¦β€β™€οΈπŸ€£

VIP Member

Yes ganyan si baby pag naiinis sya. He’s 3 months old and few days ago lang sya nagstart gawin yung ganyan.

2y ago

mommy, does your baby still does it up to now?

yes. madalas gawin ng baby boy ko. started 4/5 months din ata. kala ko nung una, may makati lang sa paa nya. πŸ˜…

yes, sobrang magalaw talaga mga paa nya. if not kicking (as if cycling), nagra-rub together. likot! 🀣