Maselan ba yung pagbubuntis pag ganito:

Macoconsider ba na maselan ka pag ganito ang nararamdaman mo: -Masakit ang likod (Hindi na nawala simula nung nagbuntis ka) -Sumasakit ang tiyan pag ilang metro na lakad -Sumasakit ang tiyan pag nagbubuhat Gusto ko lang malaman input niyo kasi ayoko din isipin nila nagiinarte ako and at the same time mainvalidate yung mga nararamdaman ko sa katawan. Thank you

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maselan siya kapag considered high-risk pregnancy, mommy. Kung lagi naninigas ang tiyan at nakitaan sa ultrasound na may konting dugo sa loob or subchorionic hemorrhage, mataas ang BP, may spotting, mababa ang placenta na halos natatakpan na yung labasan ng bata, etc. Although normal lang yang nararamdaman mo, kailangan mo parin ng pahinga kasi ganyan talaga tayong nga buntis. pag nagbubuhat ako at magsimula nang tumigas yung tiyan, stop muna at upo or Higa. Then trabaho ulit. Wala kasig katulong at may dalawang malilikot akong toddler habang buntis 7months na.

Magbasa pa