Maselan ba yung pagbubuntis pag ganito:

Macoconsider ba na maselan ka pag ganito ang nararamdaman mo: -Masakit ang likod (Hindi na nawala simula nung nagbuntis ka) -Sumasakit ang tiyan pag ilang metro na lakad -Sumasakit ang tiyan pag nagbubuhat Gusto ko lang malaman input niyo kasi ayoko din isipin nila nagiinarte ako and at the same time mainvalidate yung mga nararamdaman ko sa katawan. Thank you

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parang normal lang. Depende din sa tao kung anong ibig sabihin sa kanila ng "maselan". Sa ibang tao ang ibig sabihin ng "maselan" ay "high risk pregnancy", like yung may GDM, pre-eclampsia, placenta previa, madalas ipag bed rest ng OB, etc. Para naman sa iba ang ibig sabihin ng maselan ay "sensitive", like madaling masuka, may food aversions, walang gana kumain, etc.

Magbasa pa