My Labor Story

LONG STORY Gusto ko lang i-share yung labor story ko kasi di talaga ako makapaniwala sa experience na yun as a first time mom. Lagi ako nagbabasa ng mga nagsshare ng labor exp nila sa social media. Iniimagine ko minsan kapag ako na yung naglabor baka magtawag din ako ng kung ano ano sa sobrang sakit pero kakaiba experience ko. EDD: Sept 18 Sept 7, yung last check-up ko na. From close cervix, naging 2-3cm na siya. Inschedule na ako ng OB ko for swab test kinabukasan para i-admit na ako ng Sept 10. Wala pa ako nararamdaman na masakit or kahit labor discharge. Sept 10, 11am naka admit na ako sa hospital. Nagstart na sila magturok ng buscopan every 1 hour. Wala pa din masakit sakin at wala pa din discharge. Mga 12am binisita na ako ng OB ko, nasa 4cm na daw ako at naglalabor na. Pero wala talagang masakit sakin or kht discharge na lumalabas. Nilagyan na nila pampahilab yung dextrose ko. Niloloko pa ko ng mga nurse na nakakatawa pa daw ako. Nilagyan na din nila ako ng Fetal Heartbeat monitor para ma monitor movement ni baby at contractions ko. Maganda naging result. Mga 4:30pm, nakaramdam na ako ng parang menstrual cramps every 3-4mins interval pero tolerable ko pa yung pain. Mga 5pm nag-IE ulit si OB, nasa 7cm na daw ako. Kaya inischedule niya na ako for delivery ng 6pm. Expected nmin 8pm pa ako manganganak. Mga 6pm pinasok na ako sa delivery room medyo masakit na yung nararamdaman ko. Pinutok na ng OB ko yung panubigan ko at nagstart na ako umire. Di pa ako marunong umire buti na lng mahaba pasensiya sakin ni doktora. Nag fundal push na lang kmi tulong nung dalawang assistant niya. 6:43pm lumabas na si baby. 2.4kls pero nagkatahi pa din ako at nagkaroon ng hematoma kaya medyo natagalan ako bago ilabas sa delivery room. Sa totoo lang takot ako sa karayom at maoperahan pero kapag para sa baby mo, kahit takot ka kakayanin mo talaga. ❤️ Thank you talaga di ako pinahirapan ni baby. Di ako masyado nahirapan maglabor. Baby Girl 💗 Sept 10, 2021 6:43pm #firstbaby #1stimemom

My Labor Story
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

congrats!

Post reply image