still birth anxiety

long post po.. Namatay baby namin last August 3, 2019..stillbirth at 34 weeks..utero placental insufficiency..first baby sana. Napakabigat pa rin pero pinipilit namin maging positive. Uuwi ang asawa ko by April 2020 at plan namin magtry ulit. 1. Tingin nio po alin mas ok kung sakali magbuntis ulit ako, mag stick sa current OB ko or hanap ng bago? Hindi ko sinisisi or anuman ang OB ko, sakin lang gusto ko makasigurado kung sakali. Ilang doctors na rin ang natanung ko at sagot nila depende samin magasawa. Sa mga taga Lipa City, Batangas may mare-recommend ba kau na magaling na OB at kahit papano ay affordable pati ospital? Or meron bang expert sa case na kagaya ko? 2. Anyone na nka-experienced ng still birth na nagkababy ulit, any advise po? Ilang taon po ang pagitan? 29 na po ako..ano po preparations ang ginawa nio? Baka may magsabi masyado maaga para isipin ko ang mga to. Gusto ko po sana kasi ng time at inputs para makapag-decide..maraming salamat po sa mga sasagot..sorry po sa mga buntis, sana ay wala po negative effect sa inio itong post ko..wishing everyone the best.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Try mo po mag iba mamsh