still birth anxiety

long post po.. Namatay baby namin last August 3, 2019..stillbirth at 34 weeks..utero placental insufficiency..first baby sana. Napakabigat pa rin pero pinipilit namin maging positive. Uuwi ang asawa ko by April 2020 at plan namin magtry ulit. 1. Tingin nio po alin mas ok kung sakali magbuntis ulit ako, mag stick sa current OB ko or hanap ng bago? Hindi ko sinisisi or anuman ang OB ko, sakin lang gusto ko makasigurado kung sakali. Ilang doctors na rin ang natanung ko at sagot nila depende samin magasawa. Sa mga taga Lipa City, Batangas may mare-recommend ba kau na magaling na OB at kahit papano ay affordable pati ospital? Or meron bang expert sa case na kagaya ko? 2. Anyone na nka-experienced ng still birth na nagkababy ulit, any advise po? Ilang taon po ang pagitan? 29 na po ako..ano po preparations ang ginawa nio? Baka may magsabi masyado maaga para isipin ko ang mga to. Gusto ko po sana kasi ng time at inputs para makapag-decide..maraming salamat po sa mga sasagot..sorry po sa mga buntis, sana ay wala po negative effect sa inio itong post ko..wishing everyone the best.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same experienced happen to me mommies, My angel was still born noong July 18,2018. Hanggang ngayun I still longing of her presence, makulit na din sana sya ngayun, 36weeks noon nong nawalan sya ng hb and my son was 4yo noon at late sya nagsalita coz my prob sa pandinig but at that moment he told me na wala na baby, i was so scared that moment kasi 1st time nagsalita ng malinaw ang pnganay ko, and dali dali din kami pumunta ng ospital to confirm, and yun na nga wala ng hb si baby. Sobrang sakit and sobrang sama ng loob ko, sinisisi ko sarili ko, asawa ko lhat ng makita ko at lalong lalo na ang OB ko. Gusto ko kung magwala hanggang sa mapagod ako. But my son and my husband did not lost hope at palaging nasa tabi ko pra akoy samahan at damayan. umabot din kami ng 3years to decide na mag baby ulit, and today is my 10weeks. nag iba na din ako ng ob and totally so praning ako sa mga galaw ko, ingat na ingat ako kasi napapraning talaga ako, gusto ko magpa TVS plagi every time na nagaalala at napapraning ako, gusto ko palagi makita or madinig ang hb ni baby. I always talk to my baby na kapit lang sya andito lang ako at iingatan ko sya palagi, and Praying to God na malagpasan ko din lhat ng mga nararamdaman ko para di din maapektuhan si baby. Sobrang hirap at masakit ang mga pinagdaanan natin mga mommies but I always pray to God na wag kami pabayaan lalo na ang baby ko.

Magbasa pa

I am an angel mom too. My angel baby girl was stillborn last 28th of August 2018. I still grief everyday, we lost a piece on our heart. I opted to be a member of a support group for stillbirth and It really helped me. We tried to have a baby again 3 months after our loss and it was really devastating every time we had a negative PT result. We prayed and tried to have a baby as soon as possible but If it is not God's will it Will never be given. Almost 1year ang hinintay namin before God blessed us again. We thank him for bringing back our angel before her first birthday ❤️ I am currently 38 weeks pregnant with my Rainbow baby girl. I always prayed for all the grieving parent and to all our angel babies that are too beautiful for the earth 😇 PS. I blamed my previous OB because of medical malpractice. But.. My mom said "tanggapin mo ng maluwag ang pangyayari, for you and your baby to be at peace". On my second pregnancy I changed my OB. I wish that may God give all your heart desires ♥️ God bless 🙏

Magbasa pa

Hello ako po ay 42 yrs old na late na ako nag asawa sa awa ng Dios binuhos ang blessings sa amin at binigyan nya kami ng isang munting angel sa buhay namin. Kapapanganak ko po last May 23 since nalaman ko na positive ako pumunta na ako agad sa OB at masasabi ko na magaling talaga ang doc.na nag alaga sa akin...nag bleeding ako at required ng OB bed rest ako..malaking tulong po para sa akin na laging positive ang pananaw mo nakaset sa isip ko na "kalooban Mo po ito Ama at gabayan mo po kami lagi ng baby..during pregnancy period lagi po ako nagdarasal k St Jerard petron St.ng mga expectant mother at lagi po akong humihingi ng tulong sa mga kakilala kong pari at madre na patuloy pa kami ipagdasal ng baby ko..

Magbasa pa

same here.. nakaranas ako ng stillbirth pero hnd ko sinisisi OB ko pero gusto ng mga tao sa paligid ko magpalit ako, edi palit na lng ako ng OB para walang masabi.. even sa previous OB ko sabi nya sakin kung talagang gusto na namin magka baby kht after 1month pwede na, so pinag take nya ako ng biofolate always daw as long as hnd pa ako buntis then after 2mos mula ng manganak ako nabuntis na agad ako. By the way 36weeks na noon ang 1st baby ko ng mawalan ng heartbeat, handa kami noon sa paglabas nya pero hnd ata para samin si baby kaya kinuha din.. But I do trust God's plan. Now may baby na ko 7mos na sya.. We are absolutely happy..

Magbasa pa

Stillbirth ako dati at 6mos. Private OB ako nun. I decided to have my check up now sa PGH and I noticed the big difference pagdating sa prenatal care. Mas comprehensive ang pag aalaga sa malalaking hospitals compared sa private OB. Sa labs na lang bubusisiin lahat. Yung OB ko dati 5mos na tyan ko urinalysis/CBC lang pinagawang lab. I suggest na lumipat ka sa malalaking hospitals para kampante ka. Follow your guts momsh.

Magbasa pa
5y ago

Mommy, kung nais mong ibahagi ang iyong kuwento tungkol sa stillbirth. I-email lamang kami sa [email protected] sa ganitong simpleng paraan, mabibigyan natin ng kaalaman ang mga soon to be mommies tungkol dito.

update po: I'm currently 28 weeks pregnant, due on Oct 13, 2021, sa ibang OB na rn ako nagpapacheck up. Bedrest na ko from the time maconfirm na pregnant. Mahirap emotionally, sobrang anxious ako lalo na sa oras na di gumagalaw si baby. Tapos malapit na birthday ng Angel ko, two years old na sana. Sa prayers na lang talaga kami kumakapit magasawa. Sana this time ipagkaloob na ni Lord. 🙏🙏

Magbasa pa
3y ago

mag6mos na po si rainbow baby namin.naiiyak pa rn ako pag naalala ko si panganay, andaming what ifs pero .pwede pala maging masaya kahit may namimiss ka 🥰

I had still birth last April 1, 2021 and currently 10 weeks pregnant. I am 37 years old and this is my 2nd pregnancy. Yes, the anxiety and pain will always be there. It's a matter of how you try to live through each day. As for the OB, I changed mine. Not that I am blaming the last OB, it was my fault nmn tlga. I just want to start anew I guess.

Magbasa pa
3y ago

God bless us momsh..

VIP Member

Mommy, kung nais mong ibahagi ang iyong kuwento tungkol sa stillbirth. I-email lamang kami sa [email protected] sa ganitong simpleng paraan, mabibigyan natin ng kaalaman ang mga soon to be mommies tungkol dito.

Post reply image

From Lipa City recommend q sayo sina Dr. Ambrocio Beshearse or . Dra. Lojo ng Metro Lipa.

Dra. Helen Comia.. meron syang clinic sa Medix....