Out of topic / Money related / 2 months baby girl CS.

LONG POST ❗️‼️❗️ Hi mga mamsh. Sobrang hirap ng walang sariling pera. i mean sympre nakaleave ako. Tas yung nakuha ko sa SSS ibinayad namin sa ospital emergency cs po kasi ako kulang sa buwan po si baby due to low amniotic fluid. Since emergency di pa sapat yung naging ipon pwera pa ung makukuha ko. So ayun na nga nakabayad na kami lahat ng utang tapos na lahat. Ngayon po ang prob ko is hindi ako binibigyan ng pera ni hubby di pa po kami kasal. Di ko naman hinahangad na hawakan atm nya. Ang gusto ko lang sana bigyan nya ko pag sahod alam nyang wala kong work at wala akong sahod kasi naka leave ako. Lahat ng ipon ko medyo naubos kasi sa check ups minsan hati lng kami ni hubby. Inisip ko nalang kaya cguro nya ko hnd binibigyan ng pera kasi hindi nmn ako nakakalabas dto dahil nagaalaga ako ng baby namin tas pag papasok sya sa work may sinaing na at may pagkain na ako. Kakain nalang tlga ako. Ang akin lang kasi pano kung emergency? Or kung may gusto akong bilhin sympre may mga needs din po ako. Pero kay baby okay naman nabibili nya nmn lahat ng needs ni baby. Pag mamalengke ako pera ko. Pag sya mamalengke pera nya. 100 pesos nlng yung pera ko dto ngyon. since pure bf ako lagi akong gutom at sympre di nawawala si cravings. Sobrang naninibago ako kasi hnd ako sanay na walang pera at mahilig akong mag order online ng mga pagkain na gusto ko. Nanghihingi ako sknya ng pagkain for example yung miryenda pero tinapay lang bibilhin nya sa bakery which is okay naman walang kaso sakin un. Minsan naglalambing ako gusto ko ng donut ganyan pero naglalambing ako pag alam kong sahod nya at may pera sya. Ngayon nabasa ko may text po na na approve yung loan nya nag loan sya at credited na sa account nya hindi nya sinabi sken. Snbe nya na magloloan sya pero hnd nya snbe na na approve at credited na nagpagawa pa nga sya ng BDO account sa app sakin. Sabi ng mga friends ko dapat daw nanghihingi ako. Sabi ko naman dapat hindi na kasi alam nyang wla kong work at alam nyang wala kong pera na. So dpat hnd na ako manghihingi kusa nya nlng dpat akong bigyan dba. Ok lang po bang manghingi? Di po kasi ako sanay. Nahihiya po ako. Actually hnd kami open pag about sa pera na ung usapan. Kaya gusto ko na magwork anyways konnting tiis nalang babalik na ako next month. Thank you sa pagbabasa mga mamsh. Hingi na rin po ako ng advise po mga mamsh. Salamat po. :)

1 Replies

VIP Member

Mas oo siguro na sa kanya ka mag open up kesa sa ibang tao. Para alam mo din sana opinion nya or kung para saan yung loan na kinuha nya. Mas maganda if open kayo sa isat isa

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles