Lahat Pinupuna
(Long Post) Gusto ko lang mag share dito. Meron akong biyenan na lahat na lang ng development ng baby ko minamadali. Mag na-9months pa lang si LO ko. Pero hindi pa siya nakakatayo mag-isa, gabay gabay pa lang siya. Dami siyang pinupuna. Dapat daw nakakatayo na mag-isa, dapat pag 9months niya nakakalakad na. Dapat daw painumin ng ganitong vitamins. Tapos icocompare niya pa sa baby ng kapitbahay. Si ganito nakakatayo na. Ewan ko lang po kung sinong may experience na ganito sa biyenan tapos ang mafefeel niyo na lang pressure. Ina-under pressure kami lalo na yung baby ko. Minsan gusto ko na siya sagutin. Iba-iba naman ang development ng baby sabi ng mga expert, marami akong nababasa. Gusto ko yun ipaintindi sa kanya. Bat hindi na lang niya kami or ako hayaan na gabayan anak namin sa journey niya, hindi nga kami nag mamadali eh kasi mamimiss namin yung pagka baby niya. Totoo nga talagang mahirap kapag nakikitira ka pa sa magulang ng asawa, lahat na lang pupunahin kahit alam mo naman yung ginagawa mo.