Postpartum Depression

LONG POST AHEAD, SKIP KA NALANG KUNG DI KA INTERESADO DI KO KAILANGAN NG NEGATIVE VIBE DITO. Hi mga ka mommies, gave birth last July 10, 2020 to a healthy baby boy. Share ko lang experience ko bago ako manganak hanggang sa ngayon.. Lets start! July 9, 2020 11:00pm nag start na mag contract yung tyan ko may lumalabas nadin na mucus plug na bloody 3x ata yun, hindi na ako naka tulog dahil sa contractions hanggang July 10, 2020 @7Am nagpa dala na ako sa lying in since di na nawawala contractions. Pag dating ng lying in IE sila ang check ng heartbeat ni baby, 4cm at 128 ang hb ni baby (normal pero medyo mababa) inadmit na ako at maya maya check sila ng heart beat ni baby. Di nataas heartbeat nya pag nag cocontract ang tyan ko nababa sa 118 hb nya which is di maganda. Kinabitan ako swero para tumaas kahit papano ang hb nya then higa patagilid left side, natayo lang ako saglit saglit pag may contractions. Umabot na kami 3pm 6-7cm padin sya which is 12pm pa na IE un kaya induced labor na ginawa para tuloy tuloy na ang contractions and boom sobrang sakit pag induced talagang namimilipit ako at naiiyak sa sakit buti hinihimas ni hubby likod ko para mawala konti sakit kaso sa sobrang inip nya sinasabihan na ako na kaninang kanina pa kami andun di padin daw nalabas kasi yung kasabayan ko mag labor 2hrs lang lumabas na baby nya kaya naiinip siguro si hubby.. 5pm pagka IE ni doc konti nalang daw palabas na si baby at punta na daw kami sa delivery room. Pagka table sakin di din ganun kadali nailabas si baby kasi sobrang sikip ng birth canal ko kaya pala di maka baba agad si baby, tinulungan ako ng 4 na midwife plus yung ob ko para mailabas ng normal si baby kahit nababa na hb nya, isang midwife taga tutok ng doppler sa tyan ko yung isa taga bukaka ng binti ko tas yung isa taga push ng tyan ko tas yung isa assis tant ni OB. 5:48pm nairaos din naka pupu na sa loob si baby and kaya siguro nababa hb nya kasi triple nuchal cord coil si baby. Super stressful for ftm like me yung ganyang experience tas ang laceration ko hanggang pwet. After 24hrs discharge na kami and direcho Bulacan sa bahay ni hubby from Cavite san ako nanganak. Akala ko magiging madali na pagkapanganak ko mas mahirap pala, first day palang dito sa Bulacan nagpapa unli latch ako kasi yun bilin ni pedia magtulungan kami ni baby para maka dede sya kaso yung byenan ko gusto i formula milk kasi wala pa daw ako gatas which is ayoko kasi gusto ko breastfeed si LO at alam kong kaya ko mag produce ng gatas, ang dami nya pakikialam which is nakaka rindi, pumayag ako ipa dede sa iba si baby para matigil ng putak byenan ko pero habang nadede sa iba yung anak ko paulit ulit sya ibili nga daw formula milk, pinaliwanagan ko ng paulit ulit na bilin ni pedia wag muna formula milk kasi after 2-3 days lalabas din gatas basta unli latch lang kaso sobrang nagmamagaling at ayaw makinig yung kanya padin pinipilit nya, sa sobrang inis ko naiiyak nalang ako at nag walk out di na nahiya dun sa taong pinakiusapan nya padedehin anak ko plus pinaparinig nya pa dun habang nagpapa dede. Lahat ng ginagawa ko sa anak ko pinakikialaman eh ginagawa ko lang naman ano ang bilin at turo ng pedia ni baby kaso sya may iba sya paniniwala ipinipilit nya yung kanya, di mo sya mababali sya ang magaling sa lahat kahit ano paliwanag, gusto pa painumin ng tubig jusko buti nakita ko at napigilan ko, sandamakmak na paliwanag nanaman di padin nakikinig kanya padin pinipilit. Stressful na panganganak ko pati dito stress padin ako sa byenan ko. Nag try ako mag open up sa husband ko regarding sa nanay nya ang sagot sakin pabayaan ko na daw which is di ko kaya pabayaan, sya lahat nag dedesisyon sa anak ko sablay naman. Araw araw naririndi ako sa boses ng byenan ko maririnig ko palang ang pangit na ng umaga ko plus puyat pa sa pag aalaga kay baby. Araw araw din ako naiiyak sa inis sa stress di ko mapigilan, napaka negative ng mga tao dito sa kanila.. Pag tulog pa ang anak ko gusto lagi gisingin kasi baka gutom na daw which is kusa naman nagigising ang bata pag gutom tas pag gising at naiyak dahil ginising nila iiwan nila ipapasa sakin patulugin ko na daw. Ang b*b* lang...

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello mommy, if kaya nyu po bumukod mas makabubuti po kasi di yan mareresolb jan kung ganyan si byenan. Kung hindi pa kaya, if kaya lang umuwi muna sa inyo mas okay din para makagalaw ka na hindi inaano ng iba. Mas mabuti kasi iwasan nalang muna si byenan baka ikaw pa mapasama pag pinatulan, sabi mo rin di sya nadadaan sa usap. Mahirap.. :(

Magbasa pa
4y ago

Hi mommy, gusto ko ng bumukod talaga nabinat na ako sa sobrang stress sa kanila, araw araw ba naman..

VIP Member

Kakastress nga momsh. Di kaya pwede na sa side mo ka muna if ganyan dyan? Di kase lalo makakatulong sa pagpoproduce mo ng milk ang stress. At baka magclash pa kayo ni MIL pagganyan.

4y ago

Nag clash na kami one time sa pagpipilit nya painumin ng tubig kasi sinisinok. Gustuhin ko man sa side ko kaso wala din kaya inuubliga ko si hubby na bumukod