2X NEGATIVE SA PREGNANCY TEST

LMP ko mga sis ay March 20-26. Dating 35 days cycle . October hanggang March naging 30 cycle ang mens ko, tuwang tuwa ako. Sana kako tuloy-tuloy na. May PCOS ako Both Ovaries. March 13 nagtake ako ng Folic Acid at Vitamin e. 1 Month na ako nagti-take. Vitamin e ko ubos na, folic acid na lang ang meron kaya 'yon ang iniinom ko hanggang ngayon. Ngayong 19 dapat ako magkakaroon ng mens. Hanggang ngayon wala pa. Nag PT ako no'ng 20 at kahapon 21, kaso Negative. 💔 Ang sakit na naman sa dibdib. Matagal tagal uli't bago ako nadelay kaya nag try ako. Kaso bigo na naman. 😭 #8yrsTTC

2X NEGATIVE SA PREGNANCY TEST
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tayong may pcos mi, pero ako never ako nadelay irregular regla ko pero two weeks sa isang buwan or 3 weeks akong nireregla ganon, nagpaconsult ako sa Doctor ng OB-Gyne tapos niresetahan lang ako ng Pills na-take ko yon 2 months lang January niregla pako tapos february nag spotting lang ako march hndi nako niregla kaya sobrang nagtaka partner ko sabi ko baka delay lang ako pero never talaga akong hndi niregla kaya nagtaka siya then pinag PT niya ko, ayoko talaga mag PT kasi ayoko ng masaktan ayokong mag expect ganon, pero ayon april 4 nag PT ako dalawang PT dalawang two lines din na sobrang linaw ☝️🥹 Nag paconsult at nagpaultrasound nako may heart beat na baby ko! Thanks god 🙏 wag mawalan ng pag asa mi, pray ka lang palagi kay lord ibibigay niya din yan sayo sa tamang oras at panahon.

Magbasa pa
5mo ago

Thank you, mi! ♥️

mag low carb ka Po (no rice /less rice a day) then more on veggies and meat Po plus exercise 3x-5x a week sabayan mo Po nang dasal at try take first Vita plus melon gold p.s PCOS then Po ako and madalas cycle na period ko 30-45days bago ulit magka period.. I'm now 7 weeks pregnant na Po ..thanks to god

Magbasa pa
5mo ago

Thank you sis. 😊 6 months na ako naglo-lowcarb sis.. Congrats saiyo sis! ♥️♥️