Any similar experience?

Hello. My lmp is Aug 12. Actually my menses are super irreg and I am diagnosed with PCOS since 16yo. After 8 yrs of negative PTs, nung wed nagtry lng ako mag PT pero no expectations at all. Nasayangan lang ako sa PT ko kasi but it turns out to be positive. My first positive PT ever. However nagworry lng ako kasi since I don't know na preggy ako, active parin ang lifestyle ko and even drank soju (yun kasi bonding namin mag asawa), we even had covid ng aug 18-aug 30 😅 Nagpascan kami kanina however sac lang ang nakita, based sa size daw ng sac, baby is approx 5w 2d as of today, 10/15. Normal lang ba sya na hindi tlaga makita? Pinapabalik po kami after 2 weeks. All my lab results are normal and nagulat din ako kasi normal ovaries din ako, sanay nadin kasi ako na pcos lagi ang diagnosis. I am still at peace but somehow I want to know if this is really normal for mommies who are very irregular. My OB even laid out all the possibilities. Kapag ba walang baby sa loob, nagfafade din ba ang line sa PT katagalan? First time ko po kasi, thank you so much!

Any similar experience?
17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nangyari din sa akin dito sa pinagbubuntis ko ung nangyari sau at 5 weeks sac lng nakita at wala png baby at heart beat... kaya sabi sakin nung nag ultrasound sakin n after 2 weeks balik k ulit para makita ntin kung anong lagay na..sa panahon n un may trabaho ako at sobrang napakabigat ng trabaho ko dahil maghapong nakatayo at nagbubuhat..naranasan kong magspotting buti nlng pinagtake n ko ng ob ko ng duphaston pampakapit kahit pa ndi ko alam kung meron or wala bang baby... at sa awa ng diyos pag balik ko sa ultrasound nakita n c baby sobrang happy ako nun nung narinig ko n ung heart beat nya 11weeks n ko nun nung nagpaultrasound ako kc hinintay ko p din n makasahod ako sa trabaho ko bago ako nagpaultrasound...kaya momsh dasal lng po ang gawin mo ibibigay din yan sau ni God

Magbasa pa

i feel you momsh ganyan din ako noon... i have pcos since 2013 at pinabayaan ko kc may anak ako eh at dumating n sa point n naghahanap n ng kapatid ung anak ko ndi ko maibigay kc may pcos nga ako at ginawa ko nagpaalaga ako sa ob ko nung 2016 pinagpills nya ko at kada 6 months tinitigil ko ung pills ko para lng magtry n makabuo kmi ng asawa ko ang ending walang nangyayari kaya tinigil ko ulit ung pills ko... nag 2017 nagtry akong magpills pero iba nman ginamit ko i try althea pills at tinigil ko after 6months try to conceive at ayun 2018 april i got pregnant at hindi lng isa kundi dalawa p sila nawala n din pcos ko nun lumabas twins ko ng 2019 january at ngaun naman 2 yr/old n sila buntis ulit ako 9months n kabuwanan ko n din..

Magbasa pa

Hi same case with me po. I had PCOS din 3mos. nako walang mens. At di nako nag eexpect kada mag PT but this July un expected blessing came. When my 1st scan done my sonologist found out na i am carrying 2 sac. 1 had its embryo inside 1 still not visible. After 2 weeks pinabalik din kami and sad to say hindi nag develop ang isang baby. Nakakasad at nag blighted ovum siya just like what happened to Alex Gonzaga's pregnancy pero At the same time nakaka excite since my other little one is having its heartbeat already. 6 mos nakami ngayon . Pray lang mommy . magpapakita din sayo si baby pag balik niyo 😍

Magbasa pa
3y ago

yes positive , never ako nag ka faint line. Sabi nila basta 2 lines even faint line means positive. Try kapo other brand ng PT or better check by OB . Baka preggy kanapo and hindi nakakainom ng pregnancy vitamins kawawa naman po si baby kung sakali.

Same po tayo ng case PCOS and 5wks3d based sa Ultrasound. I guess its normal na sac pa lang makita pag 5wks, kaya pinapabalik tayo 2wks later para makita ung viability. I’ve read sa ibang stories ng mom’s na similar case sa atin na nag proprogress naman. Basta walang ibang nararamdaman na kakaiba like period pains and bleeding. Inassure naman din ako ng Ob ko na normal lang lahat na wala pa masyadong makita kasi 5wks pa.

Magbasa pa

Ako rn mamsh 5yrs akong nggagamot ng pcos ko. Jan2021 ko lng nlaman ng preggy ako, pero dec2020 pa pala ko nbuntis. 1month dn ako active ang lifestyle, inom inom with friends and ngttake pa ko nun ng pampaputi. luckily, wala naman diperensya si baby and healthy sya 😊 Anyway CONGRATS, pray ka lng lagi na mging ok kayo pareho ng baby mo. Ako nun lagi lng ako ngppray para healthy kmi ng baby ko. God will hear you 😘

Magbasa pa

Hello mga mommies, salamat po sa mga reply nyo ❤️ God is so gracious, our baby is already turning 8w tomorrow.. 4w palang siya nun sa tvz na yan kaya di siya nakita. 8w with a very healthy heartbeat of 163 bpm. No bleeding of any kind so far, super ganda daw ng kapit ni baby sa uterus 🥰🥰🥰 Mukha na syang balot sa tvz 😂

Magbasa pa
Post reply imageGIF
3y ago

hello sis. naka 4 pt ako na malinaw lahat. mataas na kasi hormones ko kasi 5w nako pregnant that time. you can try uli after a few days or a week, then ung unang urine mo after waking up ung gamitin mo :)

Don't worry, ganyan din ako nung una, first check-up ko 6 weeks na pala ako, pero wala nakita ni sac then after 2 weeks bumalik kami sa OB, good news kasi meron na and nadinig ko na din heart beat nya, ngayon 18weeks na ako.

VIP Member

masyado pa po kasi maaga for tranv momshie, tama ung sinabi ni Ob na balik ka nalang after 2 weeks kung sac lang nakita, pagbalik mo pwede na makita si baby marami po ako kilala na ganung case 7-8 weeks po my embryo na

TapFluencer

hi momsh pa tvs po kayo after 3 weeks baka po masyado pa pong maaga kaya gestational sac pa lang po ang nakikita. may mga ganyang case po talaga di pa po nakikita si baby . anyway CONGRATS ❤️

Hello po. Normal po yan. Wait lng po kayo ng 2 weeks kse now hindi pa sya visible masyado kse sac plng po. Ingat po palagi. Iwasan na po mag soju o mag puyat. Congrats po! 😊