Me and my LIP is living with my parents (2 lang kami magkapatid) last month lumuwas from the province yung brother ni LIP na student pa. Nagexam lang kaya nagstay samen for more than a week or two ata. Na notice ng mom ko na tamad yung future brother in law ko like iniiwan yung pinagkainan sa lababo, after kumain aakyat na agad sa taas, baba pag kakain na, and wala siyang pakielam kahit my kakain pa kukuha siya ng sobrang daming ulam para papakin. And pinaka last na nainis mom ko, nun bumalik na sa province araw ng byahe di man lang nagpaalam sa mom or sa dad ko. Nagulat nalang sila wala na yung gamit and nakaalis na pala. Nabastusan kami. Ngayon plan na makiupa dito sa extra room sa bahay kasi 2 extra room. Nag dadalawang isip ako kung papayag ako ayoko kasi ng tinuturing na katulong yung mama ko, na ganon yung ginawa ni brother in law nun andito siya gusto niya pinag sisilbihan pa siya. Paano ko sasabihin kay LIP na against ako sa pagpapatira sa kapatid niya dito? Stress ako kasi 24weeks preggy ako, ayoko ng ganon situation between sa mom at sa partner ko.