Thoughts about this, pls.

May LIP ako, and as Ive been in this pregnancy nagagawa naman nya mag sustento kahit papano sa amin. But, as I looked at the future, sa mahal ng bilihin ngayon masasabi ko talaga na hindi kakayanin ng sweldo nya dito sa pinas dahil nga ang mahal ng bilihin. Pag dumadating sweldo nya, mas inuuna nya bilhan ng pang grocery ang family nya [mama nya, mga pamangkin at kapatid] *nakikituloy kami sa kanila *kasi sabi nya di nya kaya na kami lng dalawa sa bahay ko, kasi graveyard shift sya at medyo maselan pagbubuntis ko kaya di ako gaano pinagkikilos ng ob ko* Tapos yung para sa akin, eh nakikihati pa mga pamangkin nya, twing bibili sya ng gatas ko [bearbrand lang gusto ko inumin] nakikitempla ang pamangkin nya and worst halos inuubos nila, pati pang snacks at kain ko , ilalagay ko sa ref pag bukas ko ulit ubos na sasabihan nya lang ako na kinain na pala ng pamangkin nya, at worst medyo mahilig magsigawan dito sa bahay nila kaya parati akong hindi makatulog ng maayos kasi nagbabangayan sila sa labas, wala naman akong magagawa kasi nga nakikitira lang ako dito. Wala lang yun sa akin pero pati pambili ng gamit ng mga pamangkin nya, na dapat sa tatay nila manghingi [nakatira din kapatid sa bahay] ay sya ang gumagastos. Ang ending, mga gamit na para sa sarili ko, talagang laging kapos at hindi maibigay ng deretchahan. Sa ngayon, palagi ko sinasabi sa kanya na kunti lang sweldo mo, mas mainam siguro kung mag abroad ka nalang kasi palagi mo naman binibigay gusto ng pamilya mo edi mas mainam na mas malaki sweldo mo pero to my shock sabi nya mas mainam siguro na ako mauuna mag abroad *rason nya may natapos ako at may degree habang sya natapos din naman pero hindi tulad ng saakin* tapos sya nalang daw magbabantay sa bata if mag abroad ako. Parang pinapahiwatig nya na mas gusto nya ako ang malayo sa bata at sya nalang mag bantay, at wala syang planong mag abroad, nakakawalang gana lang parang gusto kong umalis dito sa kanila at bumalik sa amin. P.S. may kaya pamilya ko, lahat sila nakakaangat sa buhay, ako lang itong nandito kasi nga nabuntis ako before pa ako makahanap ng trabaho. Ano kaya mainam gawin. Gusto ko na talaga sumabog. #FTM #Needadvice

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kawawa ka sender if ganun ang mindset ng partner mo, prangkahin mo sya sabihin mo, if ito pala set up na gusto nya babalik ka nalang sa inyo tapos mag sustento nalang sya sa bata kasi sa nabasa ko, hindi ikaw ang priority nya. At sa pag a-abroad naman, alam nya ba na 2 years bago magbalik sa dati ang rthym ng isang bagong panganak at need ng pahingang masinsinan para hindi mabinat. Dont tell me dalawang taon kang magtitiis sa ganyang set up sender. Iwan mo na yan.

Magbasa pa

kahit sabihinh nakipisan kayo sa family, eh bumuo na kako kayo ng sariling family nyo. Sana naman di niya akuin yung mga pamangkin at kung sinu sino pa yan kasi kayo ang nagigipit sa budget nyo. At sa sinabi mong suggestion na mag abroad na lang sya pero ganon ang response niya sayo, abay magbalot balot kana at umuwi sa inyo. iba mindset ng partner mo. weird!!

Magbasa pa

mhi gawin mo yung ikakagagaan ng loob mo. bawal kang mastress lalot buntis ka. umuwi ka muna sa inyo at hingan mo sya ng sapat na sustento. sabihin mo nalang na need mo ng makakaalalay sayo sa pagbubuntis mo. dapat maintindihan yun ng asawa mo. wag mo muna isipin family nya layasan mo sila hehe. isipin mo muna baby nyo.

Magbasa pa

mas maganda bumalik ka nalang sainyo mas mababantayan ka dahil maselan ka magbuntis at magagamit mo pa ang mga needs mo ng walang kahati, malayo ka pa sa stress. ganyan palang sinabi mo pero halata na hindi nya kayang gawin at lawakan isip nya na magkakababy kayo, alam na dapat nya priorities nya.

Same situation sakin mi, it will be your choice to stay or to move out. Kung saan ka mas may peace at kung saan Ang mas tingin mo makabubuti sayo at para sa baby mo yun ang Gawin mo! unless magstay ka diyan tapos mag set ka Ng boundaries.