My baby is now my Guardian Angel

Last Monday sumakit yung puson ko tapos nung Martes ng umaga masakit parin. Pagpasok ko sa cr nakita ko may dugo kagabi pa pla ako dinugo. Dinala ako sa hospital kaagad pero huli na ang lahat hindi na kayang isurvive kasi malapit ng lumabas kaya binigyan ako ng pampahilab. Sobrang sakit lalo na kapag titigas yung tiyan ko. Paglabas ng baby ko nilipat ako sa stretchers pero sa kapabayaan nila naupoan ko yung baby ko? pagkatapos nun deneretso nila ako sa delivery room tinurukan nila ako ng pampatulog pero hindi pa tumalab yung pampatulog niraspa na ako kaya ramdam na ramdam ko yung sakit. Paggising ko nakabox na yung baby ko hindi ko man lang nalaman yung gender ng baby ko para mapangalanan man lang. Sobrang sakit mawalan ng baby lalo na hindi ko pa nakikita o nahahawakan. Kaya sa mga buntis jan alagaan nyo sarili nyo at ang baby nyo. Kung may naramdaman kayong kakaiba pacheck up na kaagad kayo.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ilang months na po si baby? Condolence sis.

VIP Member

Hugs and prayers po sis 😭

5y ago

Thank you