Napakamakakalimutin ko na talaga...

Kung minsan ito ang dahilan kung bakit kami nag aaway ng husband ko. Then by the time na napaalala niya na sa akin, saka ko pa maaalala and I realized tama siya at saka ko rin narerealize na umaandar lang ang pagiging makakalimutin ko. Tapos tatahimik nalang ako kasi wala na akong maisasagot. Nasabi ko na rin kasi sa kanya before na meron talagang ganitong effect pag nanganak, although normal delivery lang naman ako. 4 months ago ako nanganak. Pero noon pa umaandar rin talaga pagiging makakalimutin ko. Hindi ko na nga rin maalala kung kailan nagsimula pero kung minsan nagiging isa ito sa rason na nadedepress ako at umiiyak nalang ako. Sa totoo nga naiiyak ako habang tinatype ko ito. Share ko lang po kasi parang i feel alone eh. Wala rin akong masharean kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa personal kasi kilala nilang happy go lucky lang ako at parang puro nalang joke para sa akin. Pero ang daming panahon na umiiyak akong mag isa. Kung minsan naman hindi lang yong pagiging makakalimutin ang sanhi pero ito ring aking hindi maintindihang pag uugali. Sa tingin ko naman ok lang naman ako. Hindi rin naman ako baliw. One time nga napaiyak nalang ako sa harap ng kasama ko sa trabaho(mommy din siya) tapos parang pinaramdam niya sa akin na nakarelate siya and I felt better pagkatapos niya akong sabihan na nakaramdam rin siya ng ganyan noon. Ang dami ko pang gustong sabihin pero pakiramdam ko parang umiikot ikot nalang na parang hindi organisado. So sa ngayon ito na lang muna. First time ko pong magpost. Sana maintindihan niyo ang pinagdadaanan ko. Salamat po!

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Same here mamsh, sakin possible side effect to kasi twice na ako na CS kaya 2 times n din naturokan ng gen anethesia. Minsan binubulyawan ako kc subra ako mkakalimutin pero pinaparealize ko lang sa knya na sa lahat ng tao siya dapat umintindi at makaintindi sakin. Kaya ung mga need ko tlaga like vitamins, keys, dapat visible sya lago sa paningin ko nilalagay un dapat sa nadadaanan ko para naaalala ko sya.

Magbasa pa
5y ago

😙Thanks mamsh. Napangiti mo ako