84 Replies
Salamat sa pagdadala mo sa sinapupunan ng anak mo na asawa ko na ngayon. Yun lang ipagpapasalamat ko sayo. Dahil never mong pinaramdam na anak mo siya. Diba muntik mo ng patayin? Ni walang araw na walang sugat galit sa pangungurot mo diba? Ikaw noon nakasoftdrinks samantalang mga anak mo noodles lang pagkain. At tge age of 13, imbes pag aaral ang inaatupag ng asawa ko na ANAK MO, nagtatrabaho para mapakain ang sarili. Akalain mo yun natiis mo? natiis mong magbahay-bahay yang anak mo para manghingi ng makakain at para magkaroon ng laman ang sikmura? Diba nga wala kang pakealam sa kanila? Lalo na sa panganay mong anak na ASAWA KO? Ngayong maganda-ganda na buhay niya, panay ka kamusta at hingi ng pera na akala mo di dugo't pawis ang puhunan? Habang ikaw nagpapakasaya ka sa kandungan ng lalake mo? Na hanggang ngayon dinadala ng asawa ko lahat ng ginawa mo sa kanya. Di mo alam yung trauma na meron siya. Nasasaktan ako para sa ASAWA KO. Katiting na respeto lang meron ako sayo. Mas tumatayo pang nanay ang mama ko sa ANAK MO kesa sayo. Sorry NOT sorry.
Thank you Nay kasi sobrang dami mong tulong sa amin 😊 Salamat kasi nilalabhan mo damit ni baby tsaka uniform ni kuya at pinaplantsa pa. Sa pagsundo at paghatid sa kanya sa school, sa pagkuha kay baby para makapagpahinga ako pag nakikita nyo na pagod na ako. Sa pagbibigay ng masabaw na pagkain pag nagluluto kayo ng ganon kasi alam nyo na nagpapadede ako. Salamat kasi sa isang buwan na pagtira namin sa inyo habang nagrerecover from CS operation wala kaming narinig na mag asawa na sinisingil nyo kami sa mga nagastos nyo sa amin. Pag umuuwi ka galing palengke lagi kang may dalang tinapay, gatas tsaka biscuits para saken kasi sabi mo nakakagutom magpadede at wag ako papagutom para di ako mabinat. Napakaswerte ko po sa inyo at sa pamilya nyo. Sobrang salamat po 😊
Thank you po sa pagaalaga sa amin ni baby at sa pagbibigay ng advices. Thank you po at hinayaan nyo po kami tumira sa bahay nyo dahil na din po seafarer ang anak nyo at kailangan po talaga namin ng may kasama sa bahay. Salamat din po kasi alam po namin na magandang future lang po ang hangad nyo para sa amin. Kung may mga naging problema man po tayo at dumating sa time na nagalit po kayo, pasensya na po.. Sorry po.. Gusto ko pong malaman nyo na hindi po ako mawawalan ng paggalang sa inyo dahil ina po kayo ng asawa ko at nirerespeto ko po kayo.. Sa lahat po ng tulong na binibigay nyo, mula sa maliit na bagay hanggng sa malalaki, naaappreciate ko po.. Maraming salamat po.. ❤️
Salamat kase habang maaga nakita ko totoong ugali mo. Yung sinasabi kong mabait ka AKALA ko lng pala yun. Salamat sa pagiging kunsintidor mo kht gumagawa na ng illegal anak mo dedma ka lang. 😂 Kaya siguro sarili mong anak sinasabihan ka ng "MAMATAY KA NA SANA!" Ang panget pakinggan dahil sa mismong bunganga ng mga anak mo galing ang salitang yan. Nakakapanindig balahibo kase minsan may d pagkakaunawaan din kami ng mother ko pero never ako nagsumpa o nagsabi ng ganyan sa magulang ko. Well goodluck na lang sayo at sa pagiging ina mo sa mga anak mo. Kht may naliligaw na ng landas dedma kpa rin kase wala kang kaalam alam.
Sana hayaan nyo na kami ng anak nyo na matuto na gumawa ng sarili naming desisyon. Wag nyong gawin samin ung ginagawa nyo sa bunsong anak nyo at sa pamilya nya. Hindi na po kami bata. Wag nyo na din sa kunsintihin ung anak nyo, hayaan nyo syang tumayo sa sarili nyang mga paa! Hindi yung kahit anong layo namin sa inyo, lapit pa din kayo ng lapit at nangingialam. Bakit hindi na lang kayo maging proud sa kabila ng mga nagawa namin para sa aming dalawa gamit ang sarili namin mga paa? Ahh, hindi nyo nga pala kaya yon, kasi gusto nyo na kayo lagi ang bida.
Salamat dahil pinanganak mo si bernard na asawa ko. Kahit hindi kita na meet dahil bata pa sina hubby nung nawala ka sa mundo, lumaki sya bilang isang mabuting tao, may respeto at good provider, inuuna nya lagi kami ng baby nya before sarili nya, kahit pagod sya araw araw at puyat lagi nakasmile padin sya nakagood vibes ang sarap tumanda kasama sya,, Alam ko po proud na proud kayo sa anak nyo. Promise ko po na aalagaan ko at mamahalin ko ang anak nyo at susuportahan sa lahat ng pagkakataon. ❤️
wag po sanang makialam sa pagmamanage namin ng asawa ko sa income namin, may katapatan po kaming bumili ng gusto nmin at wag nyo po sana laging sabihin na iaasa namin si baby sa inyo, may trabaho po asawa ko, sya po bubuhay sa baby ko kahit ayaw nyo sa baby ko😅😅 wag nyo lagi sabihin na aasa kami ng pera sa inyo para pampaanak sakin,, at sana tigilan nyo na pagkukumpara sakin sa unang asawa ng anak nyo, ang sakit lng po kasi,, mag kakaiba po kasi ng personality ang tao☺️☺️
Alam ko naman na siguro may mali ako sa inyo kasi di ko kayo kinilala masyado, pero ayaw mo kasi makipagkilala. Tapos wala kang karapatan pag sabihan ako ng masasamang words, you might be able to do that to your kids but don't do that to me or your grandchild dahil ni piso or kahit gamit na tulong ever since buntis ako until now wala parin ako nakukuha. Di naman ako nagkulang sa pakikisama sayo lalo na sa mga anak mo. At plastic ka, lalo sa magulang ko. So good luck to you nalang
Alam na buntis ako,isasabay pa paghingi nang pambayad sa lupa ng bahay. Alam na nag-iipon kami dahil alam naman nilang 1st baby namin pinagbubuntis ko. Naroon namang nagtatrabaho din yung kapatid ng lip ko hindi iyon ang hingian. Paano din kasi makakapagbigay e puro pambayad utang lamg ang sinasahod. Masyadong mapili sa trabaho,mas gusto pa maging utusan tapos maliit ang sahod. Tapos pag mga walang pera saka lang naaalala lip ko kumustahin.
To my MIL, thank you for raising my husband as a good man. without you i will never meet the father of my son now. Thank you for making me feel like your real child too, for comforting me when i got emotional breakdown. Thank youbfor being my second mother, an i am looking forward to spend more time and memories with you with our family. Stay healthy because we want to payback the love and care you have given to us. We love you.
Roselle Tesorero Dela Cruz