17weeks and 2 days preggy

may konti sipon at bahing ng bahing medyo inubo na din ako ng konti gawa ng sipon ko, sino naka experience neto? nag wworry na kasi ako, nag ttake ako ng calamansi juice.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sis, magpa-consult ka na kay OB kahit via phone call lang bago pa lumala yan. Nagkaganyan din ako nung 11 weeks pregnant ako, nirequest ni OB na magpa-swab test at nag-positive na nga ako sa covid-19. Though vitamin C folic acid at biogesic lang ang nireseta saken, nakamonitor naman sya daily sa temperature at oxygen level ko. Drink more fluids like warm lemon water, magpahinga, matulog ng maaga at higit sa lahat bawal ma-stress. Monitor your breathing, basta walang maging complications, wala naman effect kay baby. Inform your OB na agad Sis.

Magbasa pa

hmm ako nga nagka ubo lang eh at kunting lagnat nagpacheck up ako para na din kay baby bale mag5months preggy ako tapos yung doc ang sabi bigyan ako request for swab para na din daw kay baby (medyo natakot for my baby kasi first baby ko) nagpaswab ako kinabukasan positive na ako sa covid. ang hirap po magstay sa isolation lalo na't buntis. advice lang lagi na lang magtubig at calamansi saka mga vitamins na resita ni ob.

Magbasa pa
VIP Member

mas mabuti po na magpa-check po sa doctor. kailangan po malaman kung bacterial infection or virus ang cause ng ubo at sipon. magkaiba din po kasi ang gamot para dun.

VIP Member

bumababa talaga immune system kapag buntis,nong ganyan ako tubig tubig lang hehe magpa flu vaccine po kayo 😊