βœ•

156 Replies

Hindi naman na masyado pero dahil marupok ako napapangiti at konting kilig pa naman lalo last time kinindatan ako mga mamsh kahit parang sira pero pag alis niya kinilig ako, ako kasi usually nagpapakilig sa kanya, pero every gising ko na kasama siya at nakikita ko yung face niya aminado pa djn na kinikilig pa din ako. Haha

Yes po. Almost 10years na kaming married pero andon pa rin yung spark. πŸ₯°β˜ΊοΈ Ang ginagawa nya, kinakantahan ako with virtual drums πŸ˜†πŸ˜. Meron na rin po kaming 2daughters, 8y/o and 2months old 😊😊😊. Mas kinikilig pa ako ngayon kasi meron nang taga sulsol, yung anak naming 8y/o🀣🀣🀣

Kinikilig naman kaso tuwing naaalala ko yung conversation nila ni Ex na pakilala nya ay tropa nya at pano sya mag insist na makipagkita dun para daw "mangumusta". Nawawala yung kilig at naappalitan ng doubt. At the back of my mind "mahal daw pero may gusto kitaing iba, at ex pa talaga. Utot mo bilog." 🀣

Parang kanina kinilig ako πŸ˜‚While eating kasi nanunuod kami then dun sa pinapanuod namin may line na nag ask "Do you love your wife." So ako eksenadora i asked him pano pag ikaw tinanong ng ganyan "Do you love your wife.?" Ano isasagot mo. Sabi niya sakin "of course yes too much"

Yes naman. LDR kasi kami kaya pag tumawag siya kinakantahan niya ako. Tsaka pag naka bakasyon naman siya, instead na magpahinga siya at ako yung mag aalaga sa kanya, siya pa tong nagluluto. Binabawi daw niya yung mga panahon na di niya kami nakakasama ng mga bata 😊

Yes! Haha, ewan kolang pero wala naman kasi nagbago samin from the start lalo na siya na gentle,caring and all, minsan nganako nalang naiinis sa mga "The moves" niyang pakilig, simpleng tingin lang "I LOVE YOU" agad ang bulong sa hangin papunta sakinπŸ˜‚πŸ˜ .

Hindi na masyado, kasi minsan nakakainis nalang yung lagi nga kami magkasama pero buong oras nya sa cellphone nya lang nakatuon, ayaw ko maghinala pero worried ako ayaw nya din pinag uusapan yung mga problema at ayaw nya rin na pinag uusapan yung mga bagay bgay

yes po, lalo nat maalaga at kami priority nya.. kaht cnasabhan q xa na sumama nman sa mga ktrabho nya minsan lalo nat friday wag lng weekend hehe sabi nya ayaw nya at gusto nya kami ksama nya.. mas nkakakilig lalaki pag ganun ung mindset nya alang away

Yes po,😍 Everyday, di niya kasi kaya di ako makita e at ung baby bumps ko lalo na at nasa abroad xa...kahit antok na yan tinitiis niya para makausap lng kmi ng anak nia haha ..at laging may i love you at kunting dirty talk hahaπŸ˜…πŸ™Š

yes naman po..lalo na kapag naglalambing ako sakanya tsaka kapag tinatanung ko sya kung love nya ako...sagot nya parati kung d kita love hinayaan kitang mamatay nung araw na un😍 nung time na nag 50\50 ung buhay koπŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles