52 Replies
Kabit ba akong maituturing kung ang lip ko ay may naka one night stand? Bago ako?. Naging mag boyfriend Girlfriend kasi kami ng 2016 tas nag break tapos 2017 may babae na nakakachat niya na nagpunta sakanila at may nangyari . Ngayon nabuo ang one night stand na iyon hindi niya naka relasyon ang babae . Isang buwan matapos may mangyari sakanila pinapalabas ng babae na ni rape siya . Nanghihingi ang babae sa pamilya ng asawa ko nung nasustentuhan biglang umayaw ung babae na sustentuhan 2 buwan makalipas ng sagutan may nakitang post ang babae na may karelasyon pala ito habang buntis . Nag duda ang pamilya ng asawa ko ngayon kaya nag sabi sila na ipa dna test ang bata ngunit ayaw pumayag ng pamilya ng babae na naka one night stand. Naputol don hindi na sinustentuhan ung babae. Ngayon nag kabalikan kami at nag kaanak. Matatawag ba akong kabit sa pangyayari?. Engage na kami ngayon at malapit ng ikasal. Maaari bang makasuhan ang babae sa pag kakalat niya ng mali at paninira sa magiging asawa ko? Ipinagkakalat niya kasi na nirape siya samantalang hindi naman siya nagsisigaw nung panahong nagtatalik sila at sumama pa siya at nag punta sa bahay. Ako ba ay isang kabit sa gantong sitwasyon.??.
Aq nun pinatawad q pro nagbago aq pakitungo sakanya kng dti selosa aq at maalaga sakanya inalis q lahat un hnd aq nagtatanong kng bkt late xah umuuwi after q mahuli pinakita q sakanya at pinaramdam qna wla aq pake na sakanya at nawala pgmamahal q at respeto sa ginawa kht ang totoo nun paranoid aq na pg late xah bka tinuloi mga kabalbalan nya pro dq un pinahalata xah na mismo nagparamdam sakin na tlgang binabago at inaayos nya sarili nya almost 1yr kmi hnd nag sex nun kht na napatawad q xah alam nya at ramdam nya na d aq ready mkipag sex sakanya dhil sa icp q ung nkipg sex xah sa iba at cnabi qpa sakanya na need mo sex gawin mo sa iba kc dhil andto naman aq bkt ginawa pa sa iba kea tlgang sa gnon way nkita q at naramdaman q pano xah naparanoid na kaya q na magkatabi kmi at hnd man lng aq ma tempt mkisiping sakanya
buti nga sayo one night stand lang, sa akin nadiscover ko almost a year of affair.. bihira sa asawang babae n magpatawad kc mahirap talaga pero kung kasal kayo lalo n sa church at may mga anak, sana iconsider mong subukan muna ayusin bago sukuan ang marriage bigyan ng chance bka magbago kung talagang nagsisisi xa kc sa kasal tandaan nyo n may vow kayo sa isat isa n for better or for WORST, for richer or poorer in sickness & in health.. hindi porke nambabae hindi k n mahal, manood ka sa youtube about recovery from infidelity para mainitindihan mo bakit nya nagawa at ano signs kung nagsisisi b talaga xa or mag pa counseling kayo kung willing kayo n maayos talaga relationship nyo.. hindi po totoo ang salitang once a cheater always a cheater base po sa studies yan..
We have different point of views mommies. Merong nagsasabi magstay lang, meron namang hiwalayan na. For me, bigay ako advice na hindi ko ibabase sa feelings ko. Ibabase ko sya sa reality! It's better for u to move forward sis. Stay away from those persons who's making u a less woman. If both of u has already child, talk sincerely about it. Yung sustento, at yung pagiging magulang nandun pa rin dapat. Kasi it's very toxic sa anak nyo if lalaki sya and masusubaybayan nyang lagi kayong nagaaway "dahil sa kabit". Isipin natin yung magiging epekto sa bata like (depression) God has plan baka may mas magandang darating like sa career. DON'T SETTLE FOR LESS! Again it was just my opinion. No butt hurt! Love yourself sis. :)
It depends, forgiveness takes time mahirap kasi tanggapin yung bagay na yun lalo na sa side ng babae pakiramdam natin na hindi tyo naging sapat na may pqgkukulang tayo, pero hindi ibig sabihin na nagkaganon you'll run. Stay pero huwag na sa parehong sitwasyon ask him/her why at ipaalala saknya yung bagay nayun sa araw lang na paguusapan niyo huwag mong isusumbat huwag mong ipapaalala pero gawan mo na huwag ng mauulit ang nangyari na minsan kasi kahit sabihin pa natin nangyari kaya pwede pang mauli NO! mauulit lang kung hinayaan mo, give yoursel time to heal pero huwag mong isusuko yung lahat dahil sa isang pagkakamali nayun hayaan mo siyang magsisi pagusapan niyo give distance pero not too far.
Para sakin siguro NO. Hindi ko na siguro siya tatanggapin. Ang sakit kasi non. Yung hindi niya kayang maging kuntento sakin. Kasi in the first place kung talagang mahal niya ako hindi siya gagawa ng ganong bagay. Kahit pa sabihin na ang katwiran lasing siya or what. Hindi alam ang ginagawa kasi lasing? Jusko ako nalalasing din pero alam ko kung ano ginagawa ko. Sasabihin lapit kasi ng lapit kaya di matanggihan. Ginusto niya din yon kaya nangyari yung ganon kasi kung hindi madaming gawing paraan para iwasan. Kahit pa ba one night stand lang. Respeto at pagpapahalaga nalang sa sarili ko kaya hindi na dapat pa siya tanggapin kahit pa may anak kami. Or kahit pa kasal.
Naisip ko lang.. kaya ang daming broken family ngayon kasi hindi nila mapatawad yung other half nila na nagloko. Sa isang pagkakamali mawawalan ng isang buong family ang mga anak ninyo. Dahil lang sa hindi kayo makapag patawad. Well.. on the other side. Masakit nga naman sa part ng babae yun diba.. tama yung 1 na nabasa ko. Makita mo nga lang may kalandian sa chat. Manggigigil ka na eh.. what more one night stand pa. Siguro nasa inyo pa din ng partner mo ang magiging decision. Ugali n ba tlga nya yan makipag ONS? Bat kelangan nya gawin yun? Etc. Or Baka nag kulang ka din kaya nag hahanap ng iba?
For me, hindi ko kayang tanggapin gabi gabi ko sigurong iiyakan yan. Ang sakit lalo na kung malalaman mo kung sino ung babae na un parang ang sarap pumatay. BUT , mahal ko ang asawa ko, hindi sa magpapakatanga ako. Kung sasabihin nya sa akin na nagkamali sya, patawarin ko sya, ayusin namin to, WHY NOT, besides ,tao lang tayo nagkakasala, kung hirap man akong tanggapin un, I know sya din lalo na kung totoong nagsisisi sya sa ginawa nya. My love for my husband is greater than his sin. Ps. Ganito ang gagawin ko, pero kung piliin nya un at gawin nyang kabit. dun nalang sya hahaha
No momshie. Never ko yan tatanggapin. Sa panahon ngayon di na siguro okay yung "tatanggapin at papatawarin ko para sa anak ko" kasi ganyan nangyari sa pamilya ko noon. Malalaki na kami nung nagkahiwalay parents ko kasi dun lang nya narealize na nagsasawa na sya. Siguro para sa akin, makikipaghiwalay na ako. Akin anak ko basta susuportahan pa din sya financially. Wag kakalimutan ang sarili kasi for sure, sa huli marerealize at marerealize mo yan. Ngayon palang na nagawa yan ng asawa mo, dapat naralize mo na dapat walang lugar ang ganyang lalaki sa buhay mo
Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayun hiwalay na agad yung naiisip ng mga tao, tipong wala na yung importansya ng salitang kasal. Na para bang dapat perpekto yung partner nila, na hindi pwedeng magkamali. There is no perfect person, and there is no perfect relationship. We commit mistakes but we also deserve a chance to change. Siguro sa umpisa magiging mahirap pero kung pinagsisihan naman yun ng asawa there is still a chance. Kapit lang hanggat my love... Kapit lang hanggang kaya.
Anonymous