❤️

Katharos Deandre? October 15, 2019 ; 7:07pm 2.9 kgs via NSD October 15 morning maaga kami nagpunta ng hospital for check up. Wala akong nararamdaman na kahit anong pananakit kaya laking gulat ko nung sinabi ng OB ko na maya maya lang maglalabor na ko dahil open cervix na daw ako, pinapabalik niya ako ng 1pm para iadmit pero 5pm na kami bumalik dahil bumili pa kami ng mga kulang na gamit ni baby? Pagdating namin don 5cm nako edi lakad lakad lang kahit tumutulo dugo ko by 6pm 7cm na ko at sinimulan na ko pairehin pag nagcocontract pero wala talaga akong nararamdaman na contractions kaya pag natigas yung tiyan ko don ko na lang sinasabay umire, 20 mins before 7pm ayan na ang sakit na nararamdaman ko lalabas na sya and then boom 7:07 pm baby's out? sobrang sarap sa feeling na marinig mo yung first cry ni baby tapos ipapatong sa dibdib mo. Totoo nga siguro na kausapin mo lang si baby na wag kang pahirapan hindi ka nya talaga papahirapan? To all mommys out there goodluck sa inyo and god bless!!?

❤️
134 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

congrats mamshie 🥰! yes totoo yan, pag kinakausap si baby talaga na wag na phirapan mag labor mabilis syang lalabas hehe. ako din nagpacheck up ng morning wla kong alm na manganak na ko. pero anytime nman daw. nung gabe naskt sya pero di ko pinapansin hanggang tuloy2 na. pagdala skn 5cm na then ilang mins lang fully na. 3am ako pinasok. 3:08am lumabas na si baby hehe ganon kabilis! 😁

Magbasa pa
VIP Member

Yes true ☺ lagi ko syang kinakausap nung buntis ako , 5hrs of labor pero di nmn ako nahirapan sa pagire ☺ sept.18 nung nanganak ako 1 mos. Ago na 😁 FTM And feel proud 😍 congrats sis

5y ago

thankyou sis❤️

Congrats sis ❤️ Sana ganyan din ako. Hahaha 1st time pa naman kaso next year pa pero 3-4months nalang 🙏

5y ago

Shalamat ❤️

Yung day na manganganak kana sis wala ka tlgang naramdaman na sakit? Saka lang sumakit nung 5cm kna?

5y ago

Hala baka ganyan din ako sis. Kahapon po due date ko pero wala pa akong nararamdaman na sakit hanggang ngayon. Pero papacheck up ako ngayon.

Congrats mommy.. Sana all easy labor 😍😍😍 goodluck po kay baby.. 💕💕💕💕

wow bongga...sna all ganyan na madali nalabas ang baby...congrats mommy😊😊😊

Ang bongga naman po nyan na wala kayong labor pains mommy.. Congratulations po

Galing nman..Sana ako din ganyan sa panganganak..madali lng.Congrats!

Congrats po. First time mom po ba kayo ? Hndi kayo nahirapan manganak.

5y ago

opo first time mom po🙂

Sana all. Kakausapin ko na pala si baby ko.congrats po ☺️