32 Replies
23 ako ngayon and pregnant. Expect ko na magagalit sila. Halos ilang days walang kibuan. Pero nung nalaman ko kagad na buntis ako, sinabi ko na kagad sakanila. Makaka help din na isama mo partner mo para malaman ng parents mo ung plans niya. If in good terms kau ni partner. Mahirap sa una lalo na kung may expectations. pero magiging ok din yan. Lalo nat ang baby ay blessing. :) matatanggap ka parin nila at the end of the day.
ako din noon 16 lang ako , pero lakasan lang talaga ng loob na mag sabi , magagalit talaga sila expect mo na yun , pero sa kahuli hulihan tinanggap ni mama at ngayon 24 na ko mag tatlo na din ang baby ko. ayun si mama ko excited ulit sa pag labas ng pangatlo kong baby. sabi nga kapag nanay ka anoman magawa ng anak mo di mo matitiis at lahat yung naeexperience ko na bilang isang ina . masarap sa pakiramdam.
simulan mo sa kung mahal kaba nila matatangap kaba nila kahit anong mangyare, ganun kasi pag tinanong mo yun automatic na buntis ka kahit di mo bangitin ramdam na nila yun at humingi ka tawad syempre imbis na magtapos ka muna e ganyan ginawa mo diba basta lakasan mo luob mo suporta ang mas kailangan mo ngayon kaya maging matapang ka sila lang ang pwede pang makatulong sayo.
Hi sis much better sabihin mo na sa parents mo I'm sure maiintindihan ka naman nila especially mama mo. hindi naman sa ninonormalize ko ang teenage pregnancy but ikaw parin naman magdedesisyon after all. Mas maging matatag ka ngayon sis dahil mas marami ka pang pagdadaanan before, during and after. Tatagan mo support system mo sis lalo na't bata ka pa. 😘😊
mas mabuting sayo mismo manggagaling kasi kapag sa ibang tao nalaman ng magulang mo mas mahirap tanggapin ako po is pregnant po 17 years old po ako now sa kaibigan ko po pinasabi na buntis po ako na dapat ay ako ang dapat mag sabi kasi may takot ako at masyadong maaga akong nabuntis pero tinanggap padin nila at suportado padin nila ako
Lakasan molang loob mo ako din pero 20 nako , Matatanggap at matatanggap ka nila kaya lakasan molang loob mo mas maganda habang maaga pa magsabi kana para mas magabayan ka nila. At harapin mo ang responsibilidad na meron kana ngayon😊Mas magaan sa loob kapag hindi mona itatago yan sakanila kasi malalaman at malalaman nila yan😊
face the consequences.. tanggapin mo ang galit nila kasi natural na reaksyon yun ng mga magulang lalo na at bata ka pa. lilipas ang panahon na matatanggap nila ang nangyari sayo.. humingi ka ng tawad at maging mabuting ina sa magiging anak mo.🤞
sabihin mo in the nice way sis. then isama mo si bf mo. Hindi mo maiiwasan na mapagalitan sympre Alam mo na pag magulang. pero I know maiintindihan ka nila and andyan na Yan eh. kaysa naman talikuran diba. blessings yan
para lumakas ang loob mo, don mo muna sabhin sa pinaka close mo sa pamilya, sya ang magtatanggol sayo. mas maganda din kung ksama mo ang lalaking nakabuntis syo. good luck. godbless. sa center ka magpacheck up . libre
Just tell them the truth. Mahirap sa una dahil magagalit parents mo, dahil ilang taon ka palang. Pero kung paninindigan ng bf mo si baby, mas maigi. Dapat alam din ng partner mo kung ano plano nya sainyong mag ina.