29 weeks pregnant,Gatas po ba ito?

Kase nalilito po ako, kapag pinipisil ko may lumalabas na parang tubig tapos may lalabas din na puti. Sabi kasi ng kapitbahay namin dumi pa daw ito dapat daw 🤔#1stimemom #firstbaby

29 weeks pregnant,Gatas po ba ito?
43 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

swerte nyo po sakto paglabas ni baby meron na agad masipsip. kasi ako nanganak sa lying in ako lang mag isa . wala pa ako gatas inabot ng 3 araw bago ako mag karoon ..kaya nagwala baby ko sa loob ng lying in wala masipsip .kaua pinilit ko asawa ko lumabas na kmi nun . para mabilhan ko ng formula😭😭

Magbasa pa

wag po pisilin , may lalabas na talaga jan , sa panganay ko nga before at 3 or 4 months ata i think nababasa na ang damit ko kasi may lumalabas pero malabnaw ang color nya , and now sa pinagbubuntis ko same din

isa na namang pinagpala.. sana all may gatas haha ako 3 months na anak ko mag 4 na, konti lang talaga kahit unli latch 😅

Baka ang ibig nyang sabihin na dumi ay yung nakabara sa nipples. Pero yung mismong puti na pinipisil mo ay gatas na yan. Pero hindi dumi.

sana all ❤ pinagpala ka ng milk super duper busog lusog niyan si baby pag labas kasi mas dadami pa milk mo ❤❤❤

Same tayo sis, 6mos ako nung nagkaron ng gatas. Parang tubig pa lang sakin now pero may lumalabas na. ☺

ganyan rin sakin minsan momsh and it's totally normal po. Minsan pa nga tumutulo pa and marararamdaman mo nalang na basa damit mo

Wag m pisilin ng pisilin momsh, sayang naman.kasi diba maganda daw sa baby yung unang milk na lalabas sa ating mga mommies?

I think, milk po. Ako po kasi, as early as 3 months si baby sa tummy ko, may lumalabas nang patak patak na milk

Sana all .. 38weeks na tummy ko , pero kahit pisilin ko yung dede ko walang lumalabas.😁🤔