Hiwalayan na ba?

Kasal po kami last Sept2019 Kapapanganak ko lang din Dec2019 Nahihirapan na po ako .. naiistress na rin po ako ung tatay ng anak ko walang pake eh .. sigi pa rin sa kakalaro ..what to do huhu .. hindi nakatulong ang quarantine para sa family quality time ... iba priority eh ung games huhu sobrang kaadikan .. tapos pag sasabihan sya magagalit .. one time binunot ko ung comp nya, galit na galit sya at sabi pa nya sakin "kung sirain ko kaya laptop mo" .. parang sh*t .. sobrang nag iiyak na si baby waley pa din eto pa ang nakakabadtrip,ung parents nya hindi man lang sya pagsabihan .. ang hirap gumalaw,gusto ko magwala kaso andito kami sa bahay nila .. grbeh nakakapagod din po di ko na alam gagawin ko .. nadedemonyo na ako magpakamatay ?☠☠??? #CSmomhere?? ano po ba dapat kung gawin .. hiwalayan ko na lang kaya? grbeh ako nagdudusa sobra .. walang problem sa financial pero the way nya ako tratuhin is sobra na .. only child ako tapos ganito lang ginagawa sa kin .. nagsisisi ako .. palagay ko nasa mali akong tao wherein di ako kayang pahalagahan

105 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Please, focus on the child. Kapag inuna mong isipin si baby, mawawala sa isip mo ang idea ng pagpapakamatay. Ang ganitong mga bagay, kailangan ng maayos na pagpaplano. Hindi ko alam ang buong story so please, bear with me. Pero based kasi sa post, basta mo na lang binunot ang comp niya. I think it will be better na kinausap mo muna siya tungkol sa issue para aware siya na may nagiging pagkukulang na pala siya (which is quality time). Moreover, understandable na hindi makialam ang parents niya sa issue ninyo. Kasi as his parents, they are expecting that the two of you are already matured adults. Meaning, kaya niyo na magsolve ng sarili niyong mga problema. At may mga bagay na dapat napag uusapan lang sa pagitan ng mag-asawa. Kapag nagkapisikalan na, baka doon, makialam pa sila. But on issues like this, tiwala sila na kaya niyo isolve ng kayong dalawa lang ito. It is good on their part that they know their limitations, they trust the two of you to solve things on your own effectively and they chose to stay neutral. Let's be honest, may mga magulang kasi na nakikialam para lang kampihan ang anak nila. They can do that but very good, they didn't. Pero halimbawang nakausap mo na siya pero wala pa rin. What else can you do? Focus on the baby. Most times, it bothers men kapag nawala sa kanila ang focus natin. If makakatulong para sa iyo na umuwi muna sa inyo para nasa baby lang ang focus mo, then do so. Pero siyempre pag usapan niyo pa rin ng maayos kung lilipat ka. You can mention na kapag lumipat ka, kahit papaano may mga makakasama ka roon na magpapagaan sa mga gawain mo. May makakatuwang ka sa pakikipaglaro o pakikipagbonding kay baby. Kasi kahit may pagkukulang sya pagdating sa quality time, you have mentioned na financially, wala namang problema. Malamang outlet lang nya ang paglalaro ng stress na nakokonsumo niya sa trabaho. Nakakamusta mo rin sana sya, kasi may times na umiiwas ang tao makipagbonding para hindi kayo mapagbuntunan ng mga stress na kinikimkim niya galing sa trabaho o labas ng bahay. I am not yet recommending na makipaghiwalay ka kasi pang long term ang epekto ng desisyong iyan. Like what I mentioned earlier, kailangan ng maayos na pagpaplano pagdating sa bagay na ito. Pwede pang magbago ang mga bagay o kung hindi man magbago si husband mo, kailangan mo iconsider pa rin ang consequences ng pakikipaghiwalay. Kasi take note, hindi lang ikaw ang maaapektuhan, kundi pati si Baby-- hanggang sa paglaki niya. I am hoping for the best and your problems to be solved soon. Take care always! ♥️

Magbasa pa

ganyan din ang asawa ko dati.. buhay binata. computer is life, puro games. Imagine, 5 years ako nangunsumisyon sa kanya. hindi naman siya nanakit pisikal pero parang bogbog ako emotionally. tapos parang wala siya plano sa future namin, walang balak mag ipon. sa side din ng parents niya kami nakatira. ilang beses ko na rin siya napagplanuhan layasan. pero hanggang plano lang. ang nagpapahold on sakin ay ang anak ko. lets say, kapag nilayasan ko siya, matatakasan ko ang konsumisyon sa kanya, pero yung marealize na lalaki ang anak ko na walang tatay at di siya kompleto, eh hindi ko masimukra. so mas pinili ko ang kapakanan ng anak ko kaysa sa sarili kong kagustuhan. imagine, for five years, twice or 3x kmi mag away everyWEEK. (hindi namn kmi nagsasakitan pisikalan) pero hindi parin maganda yun. then may nabasa ako. kailangan natin maging mahinahon. avoid din natin ang pagtatalak, kasi madalas dun naaaburido asawa natin. need talaga natin ng patience.nagger ako dati.buntis pa nga lang ako dati eh gusto ko na isuli yung asawa ko sa magulang niya. then yung nabayaran ko na lahat ng loan ko at nakakasweldo ng buo, nag decide ako na kaya ko na talga siya iwan. the last time na nag away kami, halos pagod nako mastress, mhinahon ko siya kinausap. "tinatancha ko na kung kaya ko buhayin mag isa ang anak natin"ang sabi ko. that time, ewan ko, baka nahipan siya ng magandang hangin, narealized niya siguro ng seryoso na talga ako sa sinasabi ko. Biglang yakap siya sakin. as in yung yakap na as if natatakot siyang mawala ako sa kanya. then sabi ko, "sabi sa bible, husband love your wife.... wife submit to your husband. Yung submission eh hindi nmn ibig sbihin na magiging under ako sayo kundi willingness to follow. Eh willing namn ako sumunod sayo. Pero paano mo masasabi na you love your wife kung lagi lang ako nangungunsumisyon sayo? bago tayo nag sama, alam ko sa sarili ko na kapag nag asawa nako, eh hindi ko na pwede gawin o magagawa basta basta ang ginagawa ko nung dalaga pa ako. kaya sana ikaw rin." "babawi ako sayo, pangako yan" ang pagmamakaawa niya. sa ngayon 5years na kami hindi nag aaway. nagpakabait ang loko. nakuha ko siya sa mahinahon na paraan at dasal narin. suggest ko sayo mommy, be patience and you can also do the same thing. maging mahinahon ka and pray na rin..para sakin, tayong mga babae tlga ang magdadala sa pamilya. bago ka mag isip na masama, isipin mo maraming beses ang kpakanan ng anak mo bago ang saril. Be strong. God bless you po.

Magbasa pa
5y ago

thank you mommy for sharing 😍😍😘😘 sana gnyan din hubby ko huhu

VIP Member

Good example of think 1st before getting into this state of having a family. My situation might not be same as yours but I could feel you pain. May boys kase na gagamitin ka sa FLOWERY WORDS para maakit ka. At kapag nabuo at lumabas na ang bata jan na nawawalan ng pakeelam. Dun mo mkikita kng committed pa ba siya sayo nung nanganak ka. Bf ko ganyan laro laro sa laptop online pero di nagkulang sa alaga at aruga samin hanggang ngayon na buntis ako. Sobrang pagaalaga samin. May oras siya sa paglalaro. Kahit nga naglalaro siya pag alam niyang gutom ako he wont hesitate na bumaba at kuhaan ako ng pagkain. Lucky nako enough na siya nakilala ko at pinagdadasal ko na sana di siya magbago samin ng anak niya kapag lumabas na. I have a problem too. Di alam ng mommy niya or any of his side na buntis ako. Why? I made a sacrifice na patapusin siya sa college at kapag lumaki na ung baby namen siya na magpapakilala sakanila. Kaagapay ko mommy and daddy ko. Oo maaga ako nabuntis at the age of 19 years old na sana teenage life muna inaatupag at pagaaral. Thou tutuloy aki ng college after manganak for our future. Momsh anjan lang ung hubby mo go and uwi ka sainyo. Mag pamiss ka muna at mananawa din yan marerealize niya na mas mahalaga kyo kesa sa paglalaro :)

Magbasa pa

Gnyan din ako momsh, yung asawa ko sobrang adik sa ml, ni hindi nga kami nag uusap, as in wala..khit si bby ko, itabi ko sa knya, 3 secs lng yta nya pansinin, dumating sa point na, nasstress din ako.. di ko maramdaman kung mahalaga ba ako sa knya, kami ng anak ko..na mali yta na pinakasalan ko sya, lahat tlgang negative na pweseng maisip naisip ko na momsh,dumating sa point na gustong gusto ko na makipaghiwalay sa knya.. kinasal kmi jung dec. Nanganak ako ng march 2020,tas buong 3 mos na lockdown 5 beses lng yta kmi ngusap.. hehehe.. tas naglakas loob na akong kausapin sya.. iyak na tlg ako sa knya habng sinasav ko ang hinanakit ko sa knya, nkinig nman sya.. kaso kinabukasan ganun pa din.. Ginawa ko klng momsh, ngisip nlng ako ng positive, sv ko okay lng na mag ML nlng sya, mas maganda yun kesa mgchat kung knino, pero di nya alam chinecheck ko din Ml nya. Tingnan ko chatbox.. hahahaha, tinuon ko lng sarili ko sa baby ko.. baka kasi kung magpadala ako sa depression..magbigti nlng ako bigla.. pakatatag klng momsh, pero ngayun okay nman na yung asawa ko,o bka sadjang natanggapbko na lng na ganun sya.. hahaha..feeling ko halos same situation tayu..hehehe godbless..

Magbasa pa
4y ago

thank you mommy for sharing .. I hope makayanan ko din huhu .. akala ko ako lang ang may ganitong stuation pero may kasama palaako .. di ko alam depression na rin siguro ito

hubby ko sobrang adik sa games,plano dapat namin sa 2022 na muna mag ka baby,ipon muna kami kc pareho kami may work din,but things happened and nabuntis ako unexpectedly, nangyari din yan sakin,pero kinausap ko ng mahinahon c hubby pero tumutulo luha ko..iwan ko ba sa inis ko cguro,ayun pina intindi ko sa kanya na ang hirap ng mag buntis,kung d nya ako kayang alalayan through my pregnancy hanggang lumabas c baby much better uwi ako samin,ayoko ma stress while nag bubuntis kc ayoko may mangyari kay baby,bunigyan ko sya ng 2 days to think,sinabi ko sa kanya na dapat yung desisyon nya kaya nya talaga panindigan kc kung sa umpisa lang nya magagawa much better na umuwi ako kc pag nag kataon na may masamang mangyari samin ni baby dahil sa pagiging pasaway nya,mahal ko sya pero iiwan ko talaga sya.. at alam nya na hindi ako nagbibiro,minsan kc momsh,yung mga lip or asawa natin pag nag bibitaw tayo ng babala akala nila tinatakot lang natin cla,kaya kampanti lang mga yan,pero try mo gawin ang warning mo sa kanya.. matataohan din yan momsh,lalo na pag namiss ka nyan...

Magbasa pa
4y ago

yup,tsaka dyan mo din makikita kung anong klasing tao lip or asawa mo, pag talaga d ka nya pinansin,it means wag kana mag aksaya mg panahon sa kanya,d mo deserve yan, ipakita no sa kanya na d sya kawalan kahit may anak kayo,kaya mo sya bitawan

3yearz din akong nagtiis SA hubby ko noon SA 1st baby namin Wala din syang pakealam samin adik sobra SA games. Parang bato kasama SA bahay wlang inatupag kundi laro Lang. Pero Nung napagod na ko kakaiyak at kakakausap sknya SBI ko Hindi ko panghihinayangan mawala sya g di sya nagbago maghiwalay na kmi. Ayun natakot . After a months nagpakasal na kmi at ilang months lng din may 2nd baby na kmi at manganganak nko ngaun. Support ko na sya sa mga games nya kse kami nmn priority nya at libangan nya lng Yun, may disiplina na sya. Unahin muna kmi bago maglaro. Lalo na maselan ako mgbuntis ngaun sya lahat gumagawa SA mga gawaing bahay kahit galing sya sa work kse bawal ako kumilos. Kaya naman deserve nya magkaron Ng P.C , 3D.S, CP at PS3😊 kailangan lng tlga Ng ultimatum o warning Ng lalake. Hindi nmn kailangan hiwalay agad o ihinto nya agad. Yan lng bisyo nya. Kesa nmn magbarkada at tumambay o magbisyo SA labas. Support ko nlng sya SA paglalaro nya atleast NASA bahay Lang sya😊👍

Magbasa pa
4y ago

Tama . Masaya din kse pag sinuportahan natin sya madalas Yan pa magiging bonding nyo. Kesa nmn kontrahin mo sya. Maasar ka lang😅

VIP Member

nanganak ako last may18 premature yung baby ko, why? sobrang stress ako buong march to april dahil yung partner ko hindi kami inuuwian, may 10 months old akong inaalagan at the same time 7 months akong buntis, sobrang hirap na hirap ako, kahit may mga kasama ako sa bahay ako p rin ang nag aasikaso ng anak ko, yung partner ko ayaw kami uwian dahil daw walang signal at hindi siya makakapaglaro ng Ml, ngayong nanganak ako at na-ce nahihirapan akong gumalaw pero nagrereklamo aiyang napapagod na daw siya agad sa gawain sa anak namin, sobrang na sestress pa rin ako, nag away kami and nakipag hiwalay na sila, nag oo kasi kung ganito lang din palang parng mag isa ako panindigan ko na, ang then nag sorry din siya after hindi daw niya kayang iwan kami hindi niya matiis, and then okay na kami ngayon, nakakapaglaro pa rin siya ng Ml pero kailangan unahin muna niya kami, and then para walang problema.

Magbasa pa
5y ago

yes kapit lang talaga, buti na lang din hindi pa kami naiisipang iwan talaga ng ama nila.

Thats the consequence of getting married na hndi pa handa both sides. No sense of maturity. Lalo na ung nabuntis tpos nagpakasal agad. With my husband tagal namin nag decide mag pakasal 10 years ang inabot bago cya nag propose. Even pag lilive in hndi sumagi sa isip nmin kahit gustong gusto na nmin mag sama. Dahil alam nmin pareho na hndi pa namin kaya bumuo ng pamilya kahit stable na kmi pareho. Nung nagpakasal kami pinag usapan din namin na ipon muna bago mag baby para hndi kami hirap at para handa kmi sa responsibility. Mahirap kc ung susugal ka sa isang bagay na hndi mo napag isipang mabuti tpos ang outcome hndi maganda. Advice ko lng mag usap kayong mabuti ng asawa mo. Make decision na payag kayong pareho. Timabangin nyo tama ba or mali. Anu ang advantage at disadvantage. Ipriority nyo ung anak nyo kc pareho nyo namang ginawa yan kaya dapat lng pareho kayong mag alaga.

Magbasa pa
VIP Member

pero paano ngyari mamsh na nakasal kayo? dba syempre kaya ka pumayag kc love ka nya. e bat gnyan naman pala ugali ni sir. di mo ba yan nakita sa knya mamsh nung d pa kyo kasal? ung LIP ko adik din sa games un nraramdaman ko yang kgaya sayo everyday hnahayaan ko lng sya msaya sya jan eh. ngagalit din un lalo pg nglalaro tpos naistorbo mhahampas pa nga ako ng cp eh. pero pag cnabihan ko nman na sumusunod naman kc ako di ko sya iniistorbo pag kaya ko kumilos mgisa pero pag kelangan ko na ng tulong hhinto nya un. tpos pag tpos nako sa gawa ko babalik sya ulit sa laro. suggestion ko mamsh bumukod kayo .. kc ung asawa mo hnggat nakadikit sa mama nya di yan mgmamature. wag mo bsta isuko ung marriage nyo. di naman nagloko c hubby mo. for me ksama na cguro yan sa ttanggapin mo sa knya. goodluck sa inyo mamsh .. kausapin mo c hubby mo.

Magbasa pa
5y ago

Asawa ko din adik sa games.. Totoo yan.. Bumukod ng matuto sa buhay.. Mas maaapreciate nyo yung marriage life nyo sa pagbuo ng mga maliit na plano db.. Yung pagsuko hindi agad sulusyon yan.. Lesson pwdeng ibigay. Hindi nmn nambabae, hindi k nmn sinaktan..

Habahin pa ang pacnxa ..at subukan mong wag ituon ang lahat ng pansin mo sa kanya..tutal may baby na kayu just think na lahat ng attention mo para lng sa anak mo...kasi darating ang panahon youll get better ... kapag nasanay kana na hindi siya pinapansin siya na naman ang magpapansin sayu... wag kang gumawa ng move that could make worse..like mghanap ng iba dahil hnd yun ng nkakatulong... usually ang mga lalaki darating sa point hnd na sila nagagandahan sa misis nila kasi kapanganganak lang... that is the truth.. but after recovery dont tell me we wont shine again ..so dapat bumawi ka na ng lakas girl at tuonan mo ng pansin ang sarili mo at anak mo..hindi yung magpapansin ka sa mister mo na kahit anong gawin mo he wont do anything but get rid of you.. you have no choice but recover right away

Magbasa pa