dental visit
Hello kapag preggy po ba pede parin magvisit sa dental for pasta and cleaning? Di po ba makakaapekto kay baby?
Pwede magpacleaning. Recommended nga yun while pregnant kasi nga para maiwasan pagsakit sakit ng ngipin. Nagpacleaning din kasi ako. Tapos may nakita sa akin need ipasta. Sabi ng dentist ok lang daw kahit buntis ang bawal daw magpabunot. Inask ko din sa ob ko sabi niya kung needed daw talaga ok lang magpapasta. Pero di na ko nagpapasta kasi di naman nasakit. After na lang manganak siguro.
Magbasa painform mo dentist mo. ako kasi sabi dentist ko sa 1st trimester hindi ako pwde pastahan at bunutan. cleaning pwde naman mas maingat nga lang sila since sensitive din ang gums
yes momsh pwede po, need ntin ng dental care pra sn kay baby, kc may effect daw kay baby pag may dental problem, un ung sabi ng dentis koπ
Ang pagkakaalam ko is cleaning lang ang pwede. Kasi kapag sa pasta kasi, gumagamit ng lazer. Nagwork ako before sa dental clinic.
Cleaning and pasta okey lng sabi ni doc basta wlang medication.inform mo narin yung dentist na preggy ka.
Bawal po pero Nasa inyo na po yan momshy kung gusto niyo tlga...tinatanong din kc ng dentist yan...
Yes po.. okay ang pasta at clenaing sabi ng dentist momsh π as long as comfortable ka poh..
Yes po mas ok nga kase marupok mga ipin natin pag buntis kaya dapat pa check mo sa dentist
Pwede naman daw po sis.. basta sabihan mo dn dentist mo na preggy ka
ThankYou mga mamshies sa info very much appreciated π