Mahigit 1 million ang ginastos sa panganganak
Kapag may nagtatanong dito sa app kung ano gagawin kapag may nararamdaman na masakit na tiyan kapag nagbubuntis, parati kong sinasabi na wag mag hesitate na magpatingin sa OB. Napaka-importante po nito dahil baka mangyari sa inyo yung nangyari samin ng baby ko. 32 weeks ako nung nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan. Hindi tumitigil ang paninigas ng tiyan ko. Sabi ng asawa ko baka pagod lang kaya magpahinga na lang ako pero talagang nag-insist ako na magpatingin sa OB ko. Iba rin talaga ang mother’s instinct. Nung chineck ako ng doctor ko, sinabi niyang at risk ako na manganak ng maaga. Na-admit ako sa high risk pregnancy unit. Binigyan ako ng mga gamot para hindi pa lumabas si baby at ng gamot para mag-mature na ang lungs niya sakaling lumabas siya. Three days ako naka-confine, medyo bumuti na ang lagay ko kaya dapat ididischarge na ako. Nung tinigil yung mga gamot na pampakapit, biglang nagsimula na naman ang contractions. Ayaw humupa. Yung OB ko naka makeup at formal dress na dahil may pupuntahang kasal dapat. Pero nung tinignan niya ako, open na ang cervix ko. Nag decide siyang emergency CS na. Agaw buhay na pala yung baby ko kasi humiwalay na yung placenta habang nasa loob pa siya. Naka inom si baby ng dugo ko. Pagkalabas sa kanya, hindi ko man lang siya nakita at nahawakan kasi diretso siya sa NICU. Sabi ng OB ko nagkaroon pala ako ng preeclampsia at placenta abruption. Muntik na din daw ako mamatay. 2 litro ng dugo nawala sakin. Dahil sobrang liit ng baby ko, ang tagal niya sa NICU. Ang daming tests sa kanya, may ultrasound sa heart tapos utak tapos madaming xray. May mga araw na 40k nagastos namin sa isang araw. Every week nasa 200k ginagastos namin. Ang total bill namin sa St. Luke’s is 1.4 million dahil 41 days si baby sa ospital. Kaya mommies kapag nakakaramdam ng hindi maganda, magpacheck up talaga kaya. Di hamak na mas mura magpa check up kesa ma-emergency CS tsaka ma-NICU ang baby.