Dami ko tanong....

Kapag ka di mo ba kayang paliguan anak mo di kana ba magaling na nanay? Kapag ka di mo mapatahan anak mo dahil may kabag di kana ba magaling na nanay? Yon ba yong basehan ng pagiging nanay? Asa ba agad ako sa nanay ko? CS mum here of 2mos preemie baby. Kasama kasi namin ang nanay ko sa bahay namin. Mejo hands on si lola sa apo nya since first apo din nya.. Pero napaka ungrateful and unappreciative ng partner ko. Sa gabi ako ang nagpupuyat magpadede ng baby which is 3-4x kung magdede, kaya pag umaga minsan si mama ang gumagawa o nag aalaga kay baby like magpaligo pero assist ako. Then padede while bumabawi ako ng tulog.. Nakakainis lang dahil one time may kabag si baby, 2 hrs ko syang di mapatulog pero di umiiyak. At mama ko lang nakakapag patulog. At sinabihan nya ko asa lang daw ako sa nanay ko, sana pala di nalang kita binuntis di mo pala kaya.. Ang sakit. Nakakainis. Napakama pride nyang tao, sanay kasi sya mag isa, . Just want to share it lang mga mommy. For once gusto ko set aside nya pagiging independent nya for the sake of the baby..

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung di kayo kasal layasan mo na. Ngayon pa lang wala nang respeto sayo. Lahat naman ng first time moms pinagdadaanan yan. Sya kamo ang gumawa ng lahat ng yan tingnan mo kamo kung kaya nya. Galing-galing nya kamo

5y ago

Thanks momshie... Kung tutuusin napakaswerte namin dahil may nanay na maasikaso . at di nya yon nakikita.