Anxiety ba ito

Kanina habang nagbbrowse ng fb, napadaan ako sa isang fb friend ko na may something "eulogy" schedule, a celebration of life. Post ito ng husband nya gamit ang account ng fb friend ko.. as a background, she was married i think july sabay na gender reveal nya and then last month nakita ko pa na ngbaby shower pa sa office nila.. Hinanap ko mga common friends namin and tried to communicate and asked what happened to her. Sinabi sa akin na pregnancy related ung death and sabi AMNIOTIC FLUID EMBOLISM daw ang cause of death ng fb friend ko. Nasurvive naman ang baby but nasa NICU pa. I felt really sad kasi sudden ung nangyari. At the same time napasearch ako ng articles about AFE.. hindi ako kinakabahan pero lagi ko naiisip na it can happen during or post delivery. I don't want to entertain negativity, but ilan na rin mga tao nagsabi na wag daw ako kabahan during operation kung cs ako. Sabi ko mindset natin na malakas lahat para maging maayos lahat. I pray to everyone na maging safe and smooth ang labor and deliveries sa mga november mommies including my self. #35weeks1day #firsttimemom #TeamNovember2022

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Kung hindi ka makatulog dahil sa kakaisip. Hindi maayos ang tulog mo at nagigising-gising ka dahil doon. Kung bigla ka na lang magigising dahil doon. Kung hanggang sa pag tulog mo naiisip mo. Kung hanggang sa panaginip mo naiisip mo. Kung lagi mong naiisip to the point hindi ka na makakilos. Kung nakakakilos ka pero lutang ka. Kung lagi mong naiisip at hindi mo na kaya labanan yung iniisip mo. Kung lagi mo iniisip at nang hihina ka sa kakaisip. Kung nanginginig ka habang naiisip mo. Kung masakit lagi ulo or any part of body like may butterflies sa tyan mo pag naisip mo. Kung hindi mo macontrol yung feelings mo kapag naisip mo. Kung hindi mo macontrol hindi isipin. Anxiety na yun. Kung hindi naman, burahin mo na sa isipan mo. Stop harboring negative thoughts or news etc. Prepare and PRAY!

Magbasa pa