Kakapanganak ko lang nung Saturday. Dinugo ako pero di ganun kadami. Usually pag nagpapalit ako, ang kulay na makikita ko sa diaper/napkin ay may pagka-red, pinkish and brownish na discharge na parang may kasamang tubig. Inasahan ko na purong dugo ang lalabas sakin since kakapanganak ko lang pero hindi. Tapos ngayon, discharge nalang meron ako. Pano kaya lalabas sakin yung mga natitirang dugo? Kahit dati pag nireregla ako hindi talaga ako malakas duguin. Tumatagal lang ng 3 days. At yung huling araw na yun halos konti nalang lumalabas. Tsaka regla na ba yung dugo na yun pagka-panganak? O iba pa yung regla na lalabas sakin? Ftm po ako kaya di pa masyado familiar.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi po yun regla, slough off po ng uterus yun mga up to 6weeks or more po yun bago matapos. Pa latch lang po momsh kay LO, sya po tutulong sayo palabasin yung mga discharge.

5y ago

Pinapa latch ko naman sakanya momsh. Sana lumabas na lahat.