G6pd def

Kakapanganak ko lang ng feb 7. Tapos nag positive baby ko ng G6pd deficiency delikado po ba un? Ano po bawal kay baby? Formula milk po ako pwd po ba nag enfamil? Pls enlighten meee.. nappraning ako

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ano Ang G6PD Deficiency Sa Baby? Para sa artikulong ito, inimbitahan kong sumulat si Dra. Chin Morabe, isang pediatrician na nagsanay sa National Children’s Hospital. Heto ang payo niya. Ang katawan natin ay parang pabrika kung saan may mga makina tayo para gumawa ng mga produktong kailangan ng mga cells. Sa Glucose-6-Phosphate Dehydrogenase (G6PD) Deficiency, depektibo ang makinang gumagawa ng G6PD, na isang enzyme na kailangan ng ating red blood cells (RBC). Ang RBC o pulang dugo ay parang delivery truck kung saan namamahagi ito ng oxygen sa iba’t ibang parte ng ating katawan. Gaya ng oxygen tank na pwedeng sumabog kapag ang kondisyon ay hindi angkop, kailangan ng RBC ng proteksyon para hindi ito mangyari. Ito ang naitutulong ng G6PD sa ating katawan. Kung kulang ang supply ng G6PD, at kapag na-stress ang RBC bunga ng impeksyon, ilang kemikal sa pagkain o gamot, maaari itong pumutok at magdulot ng anemia. Hemolytic anemia ang tawag kapag sumabog at nasira ang RBC natin, kung saan magreresulta ito sa anemia,o mababang pulang dugo. Ang pagkakaroon ng Hemolytic Anemia ay nagdudulot ng pagputla, paninilaw, madaling pagkapagod, paglaki at pananakit ng tiyan, at kulay kalawang na ihi. Dagdag kaalaman sa G6PD Deficiency: 1. Isa itong namamanang sakit. Bagamat ang magulang ay walang karamdaman, nagtataglay sila ng genes kung saan sira ang makinang gumagawa ng G6PD na maaaring ipasa sa anak. 2. Ito ay kabilang sa anim na sakit na sinusuri sa Newborn Screening. Walang sintoma ang sanggol kung kaya’t hindi ito malalaman agad kapag hindi pinasuri. Kapag positibo sa Newborn Screening, sasailalim pa sa confirmatory test upang makatiyak. 3. Masasabi lang na may G6PD Deficiency kapag positive na sa confirmatory test. Bibigyan ng listahan ang magulang ng mga pagkain, gamot o bagay na kailangan iwasan upang hindi magkaroon ng anemia. 4. Maaring magdulot ng hemolytic anemia ang pagkakaroon impeksyon kaya’t magpakonsulta agad kapag may ubo’t sipon, lagnat o pagtatae ang bata. 5. Narito ang pagkaing dapat iwasan: mani at beans (monggo, togue, sitaw, soya, tofu etc), ampalaya, tsaa, menthol, canned goods at processed meat (sausage, hotdog), tonic water, chips, keso, margarine, powdered food, moth balls, gamot gaya ng aspirin, cotrimoxazole, chloramphenicol, anti-malarial at iba pa. Mainam na sabihin lagi sa doktor ang kondisyon ng bata at laging dalhin ang listahan.

Magbasa pa

Dapat yung pedia ni baby nagdidiscuss sayo nyan. Wala ba sinabi sayo?

5y ago

Wala po . Kakacheckup namin po last friday. Wla pa nun result ng nb screening pero may nireseta na sya ng vitamins.