Dapat ko bang mafeel to?
Kakagaling lang namin check up sa OB, tapos syempre sinabi ko mga masasakit na nararamdaman ko. Parang pabiro pagkakasabi sa akin nya na "ano, di na kaya magbuntis? Tanggalin na? O dapat sayo paligate kna pagkapanganak." First pregnancy ko po to at nasa 4 months ako. Though pa-joke pagkakasabi, parang na offend ako. Kasi syempre, para bang nafefeel ko na like, para sa kanya, eh ang arte-arte ko, na hindi ko kayang tiisin mga nangyayareng changes. Kaya ko naman, kaso hirap talaga pag mag wowork pa ako ng night shift. Valid ba tong nararamdaman ko? Na parang wala naman syang care sa akin at parang hindi supportive si OB? Bawal bang sabihin sakanila yung mga nararamdaman ng pasyente nila? Gusto ko nalang tuloy na wag na magpacheck up sa kanya sa susunod. 😢
Mom of beautiful Princess and a handsome Prince