PAG INOM NG MALAMIG NA TUBIG

Kakabuysit. Sinipon daw baby ko dahil sa kakainom ko daw ng malamig. Sobrang init ngayon syempre iinom ako kasi uhaw na uhaw ako lalo na nagpapadede ako. Hirap ng nakikitira, sa bahay pa ng asawa ko. Minsan feeling ko aping api ako dito haha ako lagi sinisisi kapag may nakikita silang mali sa baby ko. Ayun na talaga lagi ko naiisip, sinisisi ko na sarili ko. #

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mahirap po talaga makisama sobra lahat ng kilos mo silip talaga ultimo pagiihi ka lang silip na yon😫 hindi yun dahil sa kakainom mo ng malamig, dahil yun sa mga nakakasalamuha ni baby, nakalanghap sya ng virus that's why may sipon sya, kahit nga may lagnat ka pwede ka magpabreastfeed di naman napupunta yung sakit sa gatas e. Ganyan talaga pag mga matatanda na puro old myths

Magbasa pa