PAG INOM NG MALAMIG NA TUBIG
Kakabuysit. Sinipon daw baby ko dahil sa kakainom ko daw ng malamig. Sobrang init ngayon syempre iinom ako kasi uhaw na uhaw ako lalo na nagpapadede ako. Hirap ng nakikitira, sa bahay pa ng asawa ko. Minsan feeling ko aping api ako dito haha ako lagi sinisisi kapag may nakikita silang mali sa baby ko. Ayun na talaga lagi ko naiisip, sinisisi ko na sarili ko. #
Mahirap tlga ung d nakabukod.. Kaya nga kami ng asawa ko bago kami ngsama kinausap ko tlga sya... Na ayoko yung makikitira kami sa kanila kasi kaht pa sabhin nia na mabait ang parents nya sabi ko na darating ang araw na meron tlga d pagkakasundoan..at ayoko na mangyari na pipili sya sa amin ng magulang niya.. At mas ok na ung dadalaw dalaw kami sa kanila atleast ung respeto parin nandun.. Na maiwasan ang alitan kapag kakasama kami. Kaya mas pnili namin magrent nlang.. Tahimik buhay at wala nakikialam... Iwas stress at away..
Magbasa paAko di naman byenan problema kasi sobrang bait sad to say wala na sila pareho ng byenan ko lalaki nasa heaven na sila.. ang kakontra ko palagi dito ay kapatid ng asawa ko .. bunso pa ahh matanda nga lang siya sakin ng 10 years pero kahit na respeto lang hinihingi ko ayos na meron time na mabait siya meron time na nakikialam siya sa away namin mag asawa tapos kakampihan pa niya kahit alam naman na mali .. kunsintidor ba ganon. ang hirap kapag walang sariling bahay. nakakabaliw totoo lang.
Magbasa paBe confident po sa mga ginagawa niyo for yourself and baby lalo kung alam niyo na walang mali at well-researched niyo po at naitanong sa pedia. Kung sinabi po ng pedia na ok lang, let their family know. Lalo yang pag inom ng malamig, di naman nakakaapekto yan sa breastmilk kasi di naman direkta dun pumupunta yung tubig, pinaprocess yan ng katawan and ang ending niyan syempre mainit pa rin ang gatas na lalabas sa iyo.
Magbasa pamahirap po talaga makisama sobra lahat ng kilos mo silip talaga ultimo pagiihi ka lang silip na yon😫 hindi yun dahil sa kakainom mo ng malamig, dahil yun sa mga nakakasalamuha ni baby, nakalanghap sya ng virus that's why may sipon sya, kahit nga may lagnat ka pwede ka magpabreastfeed di naman napupunta yung sakit sa gatas e. Ganyan talaga pag mga matatanda na puro old myths
Magbasa patalk nyu po si hubby nyu na mag plan na kayo or pwede bumukod na kayo mas ok kasi na nakabukod, ang sad kasi may mga tao na di naiisip na hindi maganda na sabihan nang masama ang isang ina lalo na yung mga bagong panganak, stay strong po kayo mommy iwasan nyu po mag overthink at ma stress pag healthy at happy si mommy ganun din si baby.
Magbasa paI've been there din sa sitwasyon na nakipisan. Days pa lang nakita ko na nag-iiba pakikitungo sakin. Kinausap ko talaga husband ko para makaalis kami agad dahil baka lumalim pa ang di pagkakaunawaan. I still respect my in laws and his kapatid.
Kaya mas okay nakabukod or kahit sa bahay nalng ng parents mo. Kasi kahit anong gawin iba padin trato minsan ng inlaws sa asawa ng anak nila dahil di naman ny totally kadugo. Di yan titigil hanggat di ka po nagttake ng action
True ,nkakabuwesit tlaga 😥Ify moms. sakin sobrang tamad mga kpatid ng hubby ko .ako tgsunod ng kalat nila.pati ung pjngga. na pinagkainan ako pa mghugas 😥😥😥.. parang aping api na rin ako dito
For me di naman dahil sa pag inom ng malamig ng mommy, magkaka sipon na si baby. Dahil yan sa pabago bagong klima. kasi ako panay inom ko din malamig di naman nagkakasipon si baby 😇
relate talaga Ako jan sa nakikitira.. haha kahit konting problema sa bata sisi na agad. Buti ngayun nka bukod na Kami kahit maliit na space lang Basta Kami na