Stress

Kaka20 weeks ko lang po wala po bang masamang magiging apekto ko kung umiyak ako sa sama ng loob dahil nagaaway kami ng boyfriend ng dahil lang sa pagkain dahil demanding daw ako panay pakuha ng pagkain e talagang nagugutom naman talaga ako lalo na sa gabi saging na nga lang kinakain ko dahil pagdating ng gabi wala na silang food. Nakakasama po ng loob mumurahin kapa at pagsasalitaan ka ng di maganda dahil lang naiirita siya kakapakuha ko ng pagkain dahil nahihiya ngapo ako manghingi directly sa mother niya. dito po kasi ako nakatira sakanila at pumapasok din po ako sa school dipo umaabot ng 1hour or 30 mins byahe ko nakamotor po kami. Worried salang po ako samin ng baby ko sa stress kanina at sa byahe need advice po ? pasensya napo sa dramatic post.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

One reason kaya ayaw ko tumira sa bahay ng bf ko khit buntis na ako, mahirap kumilos... kaso sana yang bf mo di naman ganyan mumurahin ka pa, kung ako yan iniwan ko na yan... sorry ha ayoko kasi ng murahan e, kasi never naman tayo minura ng magulang naten o khit sino...

6y ago

Thank you po sa advice gusto ko ngapo umalis kaso pinipigilan ko po ako nung mother niya . Pinagmumura ngapo kami dahil naririnig na nagaaway kami super stress po.

Wag ka mastress hnd makakatulong sa baby. Kausapin mo bf mo regaeding your situation, needs mo tsaka un hnd pde sau para magtulungan kau