Okay lang po ba mga mommy's marami iniinom na gamot??

Kaka pa checkup ko lang po sa midwife and binigyan po ako ng calcium at folic, sa isang araw 3x ako iinom isang folic at dalwang calcium #firsttimemom#6weeks2dayspreggy

Okay lang po ba mga mommy's marami iniinom na gamot??
18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabi po ng aking Ob hndi naman sa mga vitamins nagiging healthy ang bata kundi sa mga kinakain po natin. Folic acid at Ferrus lang po yung sinabi nya sakin na inumin ko. at more water lang daw po. Share ko lang po. Sobrang pinagkakatiwalaan ko po ngayon ang Ob ko. 🥰 dahil sa pagsasalita palang po nya ramdam ko po sa knya yung pagiging Concern sa isang preggy Mom. Yun lang po. Eat healthy lang po tayo. more on Gulay frutas gatas and Water yan dw po ang secret ng isang healthy na preggy mom. 🤩😍

Magbasa pa
2y ago

Bkt ganun? Kumakain nmn ako ng gulay na luto ng in law ko. Hnd nmn ako pumapalya sa gamot, check up at ultrasound. Bkt tumaas bp ko? Bkt nag karoon ako ng protein sa ihi? Bakit kinuha si baby agad samin? Sobrang nakakapanghinayang.. mag hihintay na namin kami ng 1 yr. Para makagawa. Dahil na CS ako. Hirap din gumawa dahil once a month lang bakasyon ni hubby.. Nakakapagod na.. 😭😭😭😢

konti pa po yan mii. happy ako at healthy ka kaya siguro onti pang prescribed sayo. akin ito.. OBMin plus once a day Quatrefolic 2x a day DHA plus Omega 3 once a day Probiotics once a day vitamin D3 2x a day caltrate plus 2x a day Aspirin once a day Domepa 2x a day Metformin 3x a day insulin injection 3x a day wala pa pampakapit dyan na duphaston, heragest at duvadilan. Be thankful mii. ibig sabihin healthy kayo ni baby. Eat right and stay healthy po.

Magbasa pa
2y ago

yes po. madami po kase may diabetes at hypertension na ako bago pa po mabuntis. high risk n pati po age currently 38yrs old. rainbow baby ko ito at 1st baby kaya lahat ng need ko inumin iniinom ko po.

kunti pa yan ..sakit twice an calcium twice din na omega isang obmom folic acid ferrus vit b nagkainfection din aq recently..kaya 3 times a day ung antibiotics. and isang suppository at night for 7 days... nong nd pa q nabubuntis..dakilang tamad aq uminom ng gamot kahit masakit na hanggt kaya q pa ..nd aq nainom ng gamot... ngayon parang no choice..need tlga uminom para kay baby... minsan nagwoworry din aq kasi madami talga...pero tiwala nlng tlga sa OB.

Magbasa pa
2y ago

36 weeks and 6 Days plng po aq ngayon...nd pa naman po nanganganak..pero sana makaraos n din...hoping for normal delivery din☺️

sakin po tatlo lang, natigil nako sa antibiotics na 3x a day at dipa ulit ako nakapagcheck up sa ihi. iron+folic sa umaga vit. b at vitamin na bigay lang sa center dati madami ako nainom na gamot at vitamins nung medjo kinapos sa center nalang ako nagpapacheck up since lagi naman may doctor kada linggo pako nagpapacheck up. binabantayan talaga yung sa UTI Kasi medjo mataas. Calcium lang ang di ako neresitahan.

Magbasa pa
2y ago

magpaurinalysis ka mi para malaman sa results Kasi common ang UTI sating mga buntis

VIP Member

hello po, ako po 7 weeks preggy, last tuesday kapapacheck up ko lng sa OB,ang tanging nireseta nya skn ay Folic Acid once a day tuwing umga ,no vitamins nireseta skn, pero umiinom ako ng Barley dhl nkltlong ito kaya ako ngkron ng Miracle Baby

mas madami pa ko iniinom sayo pero tiniis ko kasi kailangan. di naman pati gamot yan, vitamins po yan mi. worth it naman kasi healthy ung baby boy ko despite his diagnosis nung nasa loob pa sya ng tummy ko. 🤗

Calcium can be twice a day dipendi po yan sa available dosage (mataas talaga daily recommended ng calcium for pregnant) Yung 5mg folic acid ok lang 1tab/day

TapFluencer

Mas madami pa iniinum ko sayo momsh, di pako buntis nito, nagpapabuntis pa lang 😂 imagine yung budget monthly palng sa vitamins sa gustong magkaanak palang.

2y ago

ang gastos mag ka baby momsh hehehe pero siguro first baby po, kaya medyo excited pag pangalawa na siguro hahahaha mapapaisip na

Usually po kasi tatlo talaga ang prenatal vitamins. Calcium, iron saka multivitamins. Dati reseta sakin ni OB hemarate, calciumade at obimin.

2y ago

same din sakin. obimin, hemarate, calciumade. one tab each per day.

Kaunti pa po yan. Ito mga nireseta sakin: calciun ferrous follic multivit maintenance for highblood malunggay extract PB lacto

Magbasa pa
2y ago

Huu. Dami mami dipa nakakalabas si baby busog na busog na sa mga gamot